Friday, December 30, 2011

...Sweet Craving...

Kung kelan naman ako nagka tonsilitis, e tsaka naman ako nagccrave sa mga matatamis! Nakakairita diba! Pero I did not deprive myself! Hahahahhaha! So be it! Let it be! Bakit ba? At ewan ko ba kung bakit kating kati ako kumain ng leche flan!

Ang nakakatawa pa.. yung unang restaurant na pinuntahan ko na alam kong mura pero may masarap ang leche flan.. ayun! wala!! So ang ending???

Friday, December 23, 2011

...Hang Ups...

Wala akong magawa.. Nagmumuni muni at nag iisip ng maaaring isulat sa blog ko.. Yung feeling na nakatunganga at gustong magsulat pero walang maisulat. Ang daming pumapasok sa utak ko pero hindi ko naman ma organize.. In short, POINTBLANK...

Masaya.. Nakatulala.. Nakangiti.. Steady lang...

Ang alam ko lang, masaya ako.. Pero madami naman ang aspeto ng pagkasaya ng isang tao.. Hindi ko naman sinasabi na perpekto akong tao at walang bahid ng kalungkutan.. pero masasabi ko sa sarili ko na masaya ako.. Madamot ba yun? Minsan kasi may feeling ako na kapag masaya ako, madamot ako dahil ako lang ang masaya.. Pero minsan naman, natatakot akong maging masaya ng sobra dahil alam kong may kapalit itong kalungkutan..

Tuesday, December 6, 2011

...Heartfelt...

Kagabi.. Naisipan namin magpunta sa Bottom's Up.. La lang.. unwind lang.. Isang bucket lang ng Tanduay Ice katalo na..

Namiss ko din kumanta.. Gusto ko lang i-share yung last song na kinanta ko on stage.. Naisip ko na para maiba naman.. Ibang kanta.. Hindi puro mataas.. Napagod kasi ako doon sa singer na puro mataas ang kinanta.. So eto ang kinanta ko...


Wednesday, November 30, 2011

...Cry...

Kanina, bigla na lang ako naiyak... Hindi ko alam kung bakit.. Humhikbi ako.. Parang ang daming realizations.. Ang dami ko palang hindi pa naiiyak.. Yung tipong biglang sumabog na lang yung dibdib ko at ako'y humagulgol..

Thursday, November 24, 2011

Day 37 - A picture of you receiving a reward

May slight kahirapan ito.. Good thing I saw one picture.. Hindi pa nga ata masasabi na award ito dahil certificate lang. Hahahha.. Taken about June during the Back to School activity in the office..


At least narerecognize pa din.. :) Salamat sa team ko dahil sila naman talaga ang nagpapakahirap kung ano man ang nararating ko.. Kung hindi dahil sa inyo, wala din akong matatanggap na ganito..

Cheers to Work!

   ♥♥♥

Wednesday, November 23, 2011

Tuesday, November 22, 2011

...Friendship...


Na miss ko kayo! Kelan ang susunod? 

Thursday, November 17, 2011

...A poem for my brother and sister...

Mga 6:30am.. Kakauwi ko lang ng bahay galing opisina.. Routine ko naman na bago magbihis, bubuksan ko muna ang laptop ko.. Para after mag freshen up, gora na sa facebook.. At eto ang bumulaga sa profile ko... At dahil jan.. Napag isipan kong ilagay sa blog ko ang poem ni kuya para mas maging memorable sa akin..


Wednesday, November 16, 2011

It's About Time... Jimmy Marquez

October 8, 2011
Teatrino Promenade, Greenhills
8PM
"It's About Time... Jimmy Marquez"



Saturday, November 12, 2011

Day 36 - A picture of your favorite place in the world

Boracay!!!!


I have always loved this place... Paradise para sa akin.. Binabalikan ko talaga..

Friday, November 11, 2011

...Ako Na Lang...



Monday, October 31, 2011

...Maselang Bahaghari...

Came across this video in my news feed. Curiosity kills the cat. Hahahhaha.. It was one of Jerome's video with Ice in the background.. Super cute! Na miss ko bigla ang correspondence team ko before where Je was one of my ATL's.. Oo na... "akin na lang sya kung ayaw nyo!" Remember this line Je? Hahhahahha! Those were the days and I can say that the rest is history! And I will be proud to say that you were once part of MY team! :)



Saturday, October 29, 2011

...Si Kuya...

♪♫ Ang araw na 'to, ay araw mo,
Pagdating mo sa ating mundo,
Natatandaan, di malilimutan,
Kailan man, kailan man


Lahat nagbago sa araw na 'to,
Pagdating mo sa buhay ko,
Lahat sumaya, buhay ko'y nag-iba
Happy birthday


Ang saya ng mundo, ngayong ikaw ay narito, oh
I wish you a happy birthday


Ang araw na 'to, ay araw mo,
Pagdating mo sa ating mundo,
Natatandaan, di malilimutan


I wish you a happy birthday
Happy birthday


Ang araw na 'to, ay araw mo,
Pagdating mo sa ating mundo,
Natatandaan, di malilimutan


I wish you a happy birthday
Happy birthday ♪♫

Wednesday, October 19, 2011

Day 35 - A picture of you and your friends out somewhere

Border ng Lucban at Tayabas...

When: October 15-16, 2011
Where: Lucban and Tayabas, Quezon
Who: Marco, Kay, Khaye, Claire, Makoy, Karen (My Project Sunshine!)

Tuesday, October 18, 2011

...Pangarap...

Madami akong pangarap... Masarap mangarap... Pero hanggang pangarap na lang ba? Ang hirap...

Susubukan kong isa isahin ang pangarap ko.. Libre naman di ba? Walang basagan ng trip..

Pangarap kong....

Pangarap ka na lang ba?

♪♫ Talaga yatang walang pag-asa
Upang ako'y iyong ibigin pa
Pano mangyayari gayong
Ako'y di mo pansin
Pano mo malalaman sayo'y may pagtingin

Tuesday, October 11, 2011

Day 34 - A picture of your friends

Project Sunshine! :)

Sabi nga nila, friends are hard to find.. Oo nga mahirap.. pero nakita ko sila.. Meet project sunshine!


Wednesday, October 5, 2011

Day 33 - A picture of you from last year

♪♫ The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth.
Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above... ♪♫

My SFF... Dandee.. He's one fourth of my SFF's (super friends forever..).. at sana naaalala mo pa ito..

This picture was taken last year.. Transcom Christmas party.. Red Carpet.. Sana wag mo din kalimutan  na ito ang araw nang ako ay maging manager mo.. :)


Temporary Madness

Let me start my post in October with my current LSS... Narinig ko na lang ito isang araw sa kotse ko.. Naka save sa USB.. E dahil lagi akong naka random shuffle, hindi ko na sya mahagilap. Pero kahapon, bigla syang nag play.. Ang sarap lang pakinggan..


Tuesday, September 27, 2011

Almost

♪♫ Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when there is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Could someone tell me how can this be
How could my mind pull up incidents
Recall dates and times that never happened
How could we celebrate a love that's to late
And how could I really mean the words I'm bout to say

Day 32 - A picture of you celebrating

Celebrating love during Ivy and Anthony's wedding..


Tuesday, September 20, 2011

Day 31 - A picture of your favorite night

Sessions @ the Loft.. Duncan Ramos
September 17, 2011...

We already planned to watch this show simula nakita ko ito sa FB ng friend ko.. Sinabi ko na talaga na sana makanood kami.. Minsan lang kasi mangyari na magustuhan ko yung artist na dumadayo dito sa Antipolo. Same place kung saan nagkaroon ng benefit show si Aiza. (Na feature ko na po yun noong July) :)

Friday, September 16, 2011

Day 30 - A picture of you in the water

White water rafting in Cagayan De Oro --------- THE BEST!!!

I never imagined myself engaging in this kind of activity. Minsan umiiral ang inferiority complex ko at baka hindi ko kayanin. Nagpunta kami sa CDO bearing in mind na mandatory ang rafting namin. At first, super scared talaga ako. Minsan naiisip ko pa na sana hindi matuloy kasi natatakot ako. Pero nandyan na e. Ituloy na lang...

Thursday, September 15, 2011

Camiguin

I would like to share our photos during our trip to Camiguin... As I always say... Camiguin is so captivating for me.. Join me in reminiscing a journey that I really enjoyed with my friends.. :)


Monday, September 12, 2011

Super Bass

♪♫ This one is for the boys with the boomin' system
Top down, AC with the coolin' system
When he come up in the club, he be blazin' up
Got stacks on deck like he savin' up

Sunday, September 11, 2011

Day 29 - A picture of you on your last vacation

September 7-10, 2011

Manila-Cagayan De Oro-Camiguin-Cagayan De Oro-Manila

Whew! This is it! Our recent vacation. Grabe! March pa lang, na book na namin ito. Thanks to Cebu Pacific at nakapag avail kami ng piso fare! :)

We have spent months of planning and thinking about what to do. Pero ang ending? Wala kaming itinerary! As in zero! Go with the flow na lang kaming tatlo. Sabi nga ng tatay ko,,, Bahala na si Batman!

Day 1 - 4:15am flight to CDO

Monday, September 5, 2011

Tadhana

♪♫ Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Friday, September 2, 2011

Day 28 - A picture of what you did today

Today, nag crave kami ni Bunso ng Mcdonalds DUO!!! Woot woot! Actually, hapon pa lang, naglalambing na si Bunso ng Duo. E nagkakatamaran.. Bago mag 12 midnight, napag isipan namin magpadeliver! :) Salamat sa online delivery ng Mcdo! :)

Php 40 each.. :)

Thursday, September 1, 2011

Day 27 - A picture of your favorite holiday

Christmas will always be my favorite holiday. Bawat taon, I really look forward to this day. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko ang panahon na ito. Siguro kasi...
  1. Malamig! - Self explanatory. :) Sarap matulog lalo na kung may kayakap..
  2. 13th month pay - Meron tayong gagamitin pangbili ng regalo sa mga mahal natin sa buhay. :)
  3. Christmas Party - Na kulang na lang, bawat kanto, meron nito at hahatakin kang dumalo. :)
  4. Exchange gifts - Syempre, pag may christmas party, may exchange gifts! :)
  5. Pero syempre, birthday ito ni Jess - Hindi man ako sobrang religious, I always take time to reflect during these times and thank Him for everything.

Christmas na naman.. Parang kailan lang...

Saturday, August 27, 2011

Day 26 - A picture that you edited

Sa araw na ito, ikaw naman ang feature ko... I know that you have the passion in photography like me. You super love to edit photos... and videos as well. :) So this time, ako naman ang mageedit ng picture mo.. :)

You'll always be "LOVE" to me... One priceless shot I had...


Friday, August 26, 2011

...Breakups...

Ano ba ang nangyayari kapag naghihiwalay ang magkasintahan? Dapat bang maglugmok na lang sa isang tabi? Iba iba kasi ang tao. May madaling maka move on samantalang may ibang grabe magluksa. Sabi nga sa isang pelikulang napanood ko.. "Ano ba yan.. mas matagal pa yung iniiyak mo sa tinagal ng relasyon nyo!" (Sa Here Comes the Bride ko napanood yun. At natawa talaga ako kay John Lapus!)

Anyway, may kanya kanyang dahilan kung bakit naghihiwalay ang magsing irog. Pero para sa akin kasi, kapag hindi ka na masaya, wag mo na patagalin pa. Bakit ka pa magsstay sa isang relasyon kung ang isa ay hindi na masaya. Naniniwala ako na “Saying goodbye is hard, but staying isn’t always better.”

Day 25 - A picture of your favorite weather

Clear blue skies... Perfect to get a tan line! :)


Favorite weather ko yung parang ganito.. Ang sarap mag muni muni... Kapag out of town, gustong gusto ko yung galit ni haring araw. Gusto ko kasi lagi magka tan line.. Kesehodang uber init basta ma achieve ko ang perfect sunkissed look! Hehehehhee..

Kidding aside, masarap nga yung umuulan, pero kasi ang hirap pigilin ng ulan... Yung araw, ilang oras lang naman yan.. Pwede naman magpalamig sa mall.. Kapag umulan, hindi mo alam kung kailan ito titila..

Gusto ko yung sakto lang.. parang ganito.. samahan mo pa ng magandang tanawin.. Pak na pak na! :)

     ♥♥♥


Sunday, August 21, 2011

Day 24 - A picture that describes your life

Habang nagddrive ako.. eto ang natanaw ko..


Friday, August 19, 2011

Day 23 - A picture of someone you grew up with

Eto naman ang pagkakataon ko para ma feature si Bunso.. Oo Bunso, hindi ka naman mawawala sa listahan ng mga mahal ko sa buhay..

Matagal na itong litratong ito. Kasal pa ni Anne at Elmo. Nagpa drive ka sa akin kasi hindi ka ata marunong pumunta doon. Wala pa tayong GPS noon. Hehehehehe.. :) 

Day 22 - A picture of you with people you work with

Meet the New Generation Team Kay...


August 18, 2011..

Nagkayayaan magkaroon ng munting Team Building. Dapat sa Lucban, Quezon kami pero nagkaroon ng last minute changes kaya dito kami nauwi. 2 weeks ko pa lang sila agents..

Namiss ko yung ganitong team building. Tulong-tulong lahat. Namili na lang sila ng dinner, pulutan, at alak. Patak patak lahat. Sabi nga nila.. "drops-drops".. Hehehehehe..

Bago pa lang ang team. Alam kong may chance na baka hindi naman ako magtagal sa kanila. Sinusulit ko lang.. :) Cool sila lahat. Sayang kasi may mga hindi nakadating..

Sana maulit ito..

Happy Team Buliding!

Wednesday, August 17, 2011

Day 21 - A picture of you and your best friend(s)

♪♫ Knowin' you can always count on me 
for sure
that's what friends are for
In good times
And bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for ♪♫


             ♥♥♥


Tuesday, August 16, 2011

Day 20 - A picture of you more than 10 years ago

Waaaaa...

Actually, medyo nahirapan ako maghanap ng picture ko more than 10 years ago.. Laking pasasalamat ko sa facebook at nakakita ako ng isang litratong tinag sa akin ng mga kaklase ko noong high school ako.. Hehehehehe..

Okay, so ito ang aming class picture noong third year high schoo ako.. 1996 ata ito kung hindi ako nagkakamali...


Wow.. nene pa kami dito.. Nakakamiss ang high school life. Pero sa maniwala kayo o hindi, napakatino ko noong high school. Literal na eskwela-bahay ang drama ko noon. Okay lang naman. Puro mayayaman din kasi ang mga kaklase ko kaya minsan hindi ako maka relate. Lahat pa sila Instik. :) Pero I can say that I made the most out of it and I enjoyed it. Hindi man ako Ms. Popular o Prom Queen, napakasaya ko na napag aral ako ng magulang ko sa isang exclusive school tulad ng ICA. At proud ako na mula Kinder hanggang naka graduate ako, wala akong tutor! Hehehehehe..

Salamat sa facebook at hanggang ngayon, nagkakabatian pa kami. :)

Happy reminiscing!


"Hurry, don't be late, I can hardly wait
I said to myself when we're old
We'll go dancing in the dark
Walking through the park and reminiscing"

     ♥♥♥

Monday, August 15, 2011

Day 19 - A picture of you at a sports game

One big fight!

September 30, 2010.. Ateneo vs FEU..

Yeah! This was the last sports game that I've watched. Noong bata ako, lagi ako nanonood ng basketball. Grade 5 pa lang ako, laman ako ng Araneta Coliseum, Cuneta Astrodome at Ultra. Mahilig kasi si daddy at Kuya manood ng games dahil naging kaibigan na nila ang mga basketbolista.

Day 18 - A picture of someone you miss

Someone I miss? Oo, kuya, ikaw naman ang feature ko.. :)

Miss na kita...

Hindi ko na maalala kung ilang taon ka na jan. 6? 7? Basta alam ko matagal na.. Buti na lang nakakauwi ka pag may konting ipon.. Kung mayaman lang ako...

Miss na kita...

Wala na akong kaaway. Noong mga bata pa lang tayo, ikaw ang mortal enemy ko. Habang tumatanda tayo, ikaw pa ang naghahatid sa akin sa school.. Naaalala mo ba na lagi tayo dumadaan ng Mcdo sa Greenhills dahil masyado tayong maaga? Kasabayan pa natin ang mga elders na laging nag jojogging sa may Unimart. Salamat sa pagtiyaga mo sa akin hanggang magtapos ako ng high school.

Saturday, August 13, 2011

Quatro Malditas!

August 9, 2011... nabuo ang grupong ito.. Nagsimula sa batian tuwing may pasok sa opisina. Although may ilang taon na din kaming magkakasama sa opisina, sinadya ata kaming paglapitin ng tadhana.. Naks!

Meet the AC's and the STL's... (ako lang ang wala sa picture..hehehehehe)


♥ Ivy ♥                   ♥ Jepay ♥                 ♥ Bonchu ♥

I'm sure nakilala nyo na si Bonchu.. Sya ang karamay ko sa gawaing opisina. Halos magkadikit na ang pusod namin sa trabaho... my partner.. my seatmate.. Meet Ivy and Jepay... ang "bhe" at ang "badet" ng production floor, respectively.. sila ang aming mga AC's.. Oo mga friends.. Account Coordinator at hindi air conditioner! Hahahahahha!... Stress buster namin yang dalawang yan. In other words, spongebobs namin.. :) Pag stressed na kami, mandatory ang paglapit namin sa station nila. Chikahan at tawanan. Pero laging panandalian lang.. Hanggang isang araw, kinailangan nila kaming turuan.. Hala.. chika dito, chika doon.. tawanan galore ito mga dabarkads.. Nakakabitin ng husto. Hindi pa natapos sa opisina.. pati pag uwi sa bahay, sa FB naman kami nag chikahan. At biglang naisipan ni Jepay na tawagin kaming Quatro Malditas! Love it!! Kaya naisipan namin mag set ng date at magkape after shift.

Friday, August 12, 2011

Day 17 - A picture of something you love to do

Iisa lang naman ang pinakagusto kong gawin.. ang kumanta..


Bata pa lang ako, hilig ko na ito. Lagi ako nanonood ng Tanghalan ng Kampeon. Unang kantang nagustuhan ko yung awitin na Healing. Hindi ko nga alam bakit naging hilig ko ito. Mabibilang mo lang sa mga kamag anak ko siguro ang marunong kumanta. Hindi ako lumaki sa "singing environment". Hindi ko alam kung paano ako nahilig sa musika.

Thursday, August 11, 2011

~Commercial muna~

It's been one month and five days since I started this blog. This is my 40th article. Not bad naman di ba? Bakit ko sinasabi to? Kasi akala ko hanggang simula lang ako.. Testing lang. Pero nageenjoy na pala ako. Noong una kasi sabi ko sa sarili ko na hindi naman ako writer.. As in hindi ako nagsusulat ng articles... Pero iba pala kapag nasasabi mo kung ano nararamdaman mo. Parang it just came out naturally. Kapag may bago akong post, minsan hindi ko nga alam kung paano sisimulan. Pero I got the hang of it.. hindi ko namamalayan na tuloy tuloy na pala ang pagsusulat ko. Never in my wildest dreams...

Kanina, habang hinihintay ko mag buffer yung TV show na sinusubaybayan ko, binasa kong muli ang mga naisulat kong artikulo. Ang galing. Para din syang mga pictures. Ang sarap balik balikan. Natawa at naiyak ako sa mga naisulat ko na. Yung tipong mahirap na ulitin. Gaya na lang kunwari yung mga pagkain, pelikula, banda, etc.. At least, for once in my life, na experience ko sila. Kasi hindi ko na alam kung mauulit pa ito.

Lahat ng sinusulat ko dito galing sa puso... Naalala ko yung isang agent.. Sabi nya.. "Alam mo boss, gusto ko din sana mag blog pero hindi ako writer.." Wow! Deja Vu ito. Pero sinabi ko sa kanya na kahit ako hindi naman. Parang journal lang para may pagbuhusan ka ng nararamdaman mo. O kaya naman isipin mo na lang na ito ang nawawalang diary ni Mara at Clara. Hahahahha! Natuwa ako noong sinabi nya na susubukan nya. Sana nga..

Hindi lang ito stress buster para sa akin. Minsan kasi, hindi ko naman maexpress lahat ng gusto kong sabihin. At least dito sa blog ko, pwede kong gawin yun. Hindi ko naman kasi alam kung binabasa ito ng ibang tao. Basta nailabas ko ang nararamdaman ko. Sa mga nakakabasa naman, sana nag eenjoy kayo.

Marami pa akong gustong puntahan at marating. Marami rin akong gustong i feature dito sa blog ko lalo na yung mga taong importante sa akin. At ang hamon ko sa sarili ko? Titingnan ko kung hanggang kailan ako tatagal sa pagsusulat dito..

Happy writing!

     ♥♥♥


Tuesday, August 9, 2011

Day 16 - A picture of someone who inspires you

Siguro iniisip nyo kapag nabanggit ang salitang "inspiration", dapat lovelife lagi.. Parang hindi naman.. Well, sa kaso ko, hindi.. Para sa akin kasi una si Lord, pangalawa.. pamilya lagi.. Pero I would like to feature my dad sa blog na ito. Someone who inspires me...


Friday, August 5, 2011

Ang Babae Sa Septic Tank

Naging topic ko na sa blog ko si Ms. Eugene Domingo. Hindi na kaila sa inyo na isa sya sa paborito kong artista. Last July, nagkaroon ng Cinemalaya Festival. Nagtatampok ito ng mga indie films. Isang linggo din ang itinagal nito. Dalawang pelikula ang nais ko sanang mapanood pero ang layo kaso e. Sa CCP at sa Makati lang pinalabas. Pero tuwang tuwa ako noong malaman ko na ipapalabas ito sa mga sinehan.

Ang Babae Sa Septic Tank (Indie Film)

Kanlungan ni Maria

Last Sunday, naisipan kong sumama sa outreach program ng opisina ko.. Naisip ko kasi, dahil linggo naman at day off ko, sumama ako. Sandali lang din naman kasi yung activity at sakto namang malapit lang sa bahay namin yung lugar. Isa syang pagdalaw sa mga matatanda.. Home for the aged kumbaga... Sa Kanlungan Ni Maria ginanap. Sa may Nayon Silangan dito sa may Antipolo.


Nagtataka ako na meron palang home for the aged sa subdivision na ito. Matagal na ko sa Antipolo pero noong linggo ko lang napagtanto na meron nga. Hindi ko alam kung bakit excited ako sumama. Hindi nga ako masyado nakatulog. 10am daw ang meeting time doon. Dahil malapit nga lang kami sa lugar, at dahil may tinatawag tayong Pilipino Time.. ayun, mga 10:20am na ata kami nakarating doon. At syempre.. wala pa sila.. Yosi muna.. :)

Wednesday, August 3, 2011

Day 15 - A picture of something you want to do before you die

Wierd.. Kanina pa ko nag iisip ng something I wanna do before I die. E die nga ayoko pa, yung gagawin pa kaya? :) Pero thinking about it.. sabi ko.. "Oo nga ano.. ano nga ba ang gusto ko?" Hmmmm... Hindi ako masyadong adventurous pero ito ang gusto kong gawin...


Astig! Yun e kung kakayanin ako ng harness! hahahhahaha! Pero bungee jumping kasi.. chance mo na maging free kahit na ilang segundo.. Halong takot at freedom siguro pag nagkataon.. Given a chance, gagawin ko to. :) Walang urungan!

"Jump, jump for my love
Jump, I know my heart can make you happy
Jump in, you know these arms
Can feel you up
Jump, you want to taste my kisses
In the night then
Jump, jump for my love"

Let's do this! ♥♥♥

Monday, August 1, 2011

Day 14 - A picture of your favorite store

Ang hirap mag isip ng favorite store para sa isang taong katulad ko. Hindi naman kasi ako mahili mag shopping. Mapa damit, sapatos o make up.. Pag pumupunta ako sa mall, it's either kakain, manonood lang ng sine, o bumili ng toiletries. Hindi din naman ako maluho. Wala akong hilig sa branded na gamit. Simple lang kasi ako. Hangga't magagamit pa, gora lang! Masuwerte na nga na bumili ako ng damit o sapatos isang beses sa isang taon.. Kaya nahihirapan ako mag isip kung ano nga ba ang favorite store ko.. Naisip ko pa nga na baka pwede paboritong kainan na lang. Hahahhahaha! E hindi din naman ako mahilig magbasa ng libro kaya hindi ko mailagay ang National Bookstore! :)

Pero hindi.. nag isip ako.. at eto ang sumagi sa isip ko...


Saturday, July 30, 2011

Marlon and Roxy

Monday... Bottom's Up nightout time.. :) Woot woot! Time na naman namin ng mga girlfriends ko.. Since na feature ko na ang place na ito. I had an idea to try out and feature some of the performers na din. Matagal na akong tambay sa lugar na ito. Kulang na nga lang stockholder na ko dito. Hahahahha! :) Mura kasi tapos may acoustic pa. E dahil nga sa hilig ko sa musika, trip ko ang easy listening. Ayaw ko ng maingay. So perfect na itong lugar na ito...

Meet Marlon... ang gitarista... :)

Friday, July 29, 2011

Bottom's Up!

Along Imelda Avenue.. Katabi ng Hasaan Kebab and Steaks.. Sa kanto bago lumiko ng Sta. Lucia.. Ayan, makikita nyo na ang Bottom's Up! :)


I found out about this place siguro mga a year ago lang.. Una namin sinubukan kumain sa Hasaan.. Habang napapasarap ang kain namin, parang masarap uminom ng beer. Pero wala palang alak sa Hasaan. Pero sinabi nila sa amin na sa Bottom's Up meron. Katabi lang naman pala. Kung hindi ako nagkakamali, si Tin ang una kong nakasama sa bar na ito. Heart broken ang bruha kaya ayun! Dito kami napadpad... Dalawang table lang ang may tao.

Tuesday, July 26, 2011

Bonding with "the Bonchu"...

Sa call center, hindi mo maiiwasan na kung saan saan ka na lang naaassign.. Yan ang pinagdadaanan ko ngayon. Muli na naman akong nawalay sa team ko. Okay lang dahil alam kong maliit lang naman ang mundo at pwede pa din kami magsama sama. Unang Martes ko sa opisina na wala sila, isang BONCHU ang nakilala ko...


Arlene Esparagoza... "Nanay" sa iba.. "Bonchu" sa karamihan.. Siya ang bunso sa grupo.. Naaalala ko noon, unang salpak ko sa production, sabi sa akin ng boss ko.. "Oh, shadow ka muna. Assign kita kay Bunso.." Natakot pa ko.. Ang tanong ko pa.. "Sino si Bunso?" Noong nakita ko.. maliit.. payat.. mukhang masungit.. Takot ako.. Hehehehhehe..

Monday, July 25, 2011

Day 13 - A picture of your favorite band or artist

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang bandang ito.. TRUE FAITH...


High school pa lang ako, paborito ko na sila. Naalala ko, mga 1995, nag guest sila sa school ko. Nagkataon na kaibigan pala sila ng Science teacher ko. E close kami kaya pinakilala nya ko. Astig! Pagkatapos nun, bumalik sila sa school. Medyo nakachikahan ko na sila dahil nga sa guro ko. :) woot woot..

Dahil doon, nagustuhan ko na ang tugtugan nila. Galing kasi e. Sarap pakinggan. Noong 1996, kung hindi ako nagkakamali, nag organize ako ng concert sa La Salle dito sa Antipolo. Sila agad ang naisip ko. Success naman! Salamat sa tulong nila Diego Mapa and the tropa. Hehehehe! (Mahagilap nga ang taong ito dahil matagal na din kami hindi nagkikita!)

Hanggang ngayon, hindi nawawala ang True Faith sa playlist ko..


"Changing hues, the change of seasons 
Will leave you no clues 
As desperation spreads within a broken soul 
Life leaves you feeling dead 
But just like Mathis singing 
On a low-down Sunday afternoon; 
The blues split apart all my senses depart 
As I see you come into view"


♥♥♥

Sunday, July 24, 2011

Hanoel Coffee Shop

After shift, naisipan namin mag kape.. Kaya lang.. wala bang bago?? Same old places na lang lagi.. Bigla kong napagtanto na hindi pa pala kami nakakapagkape sa Hanoel. Isang maliit na coffee shop dito sa Antipolo. Halos katabi lang ng 7-11 at halos katapat lang ng National Bookstore.

Cute. Maliit lang sya. Cozy. Fresh sa paningin kaso ngayon lang namin napasyalan. Kakaiba kasi may mga musical instruments sa loob. Pwede mong gamitin ang mga ito. May piano, violin, gitara at flute. Mukhang Korean ang may ari kasi Korean yung theme. Alam mo yung feeling na para kang nanonood ng Koreanovela sa TV.

Simple lang ang menu. Wala pa masyadong sineserve. Simpleng hot and cold drinks at mga apat na klaseng pasta. E chocolate ang trip namin..

Hot chocolate - Php 90 / Chocolate Milk Shake - Php 120


In all fairness, masarap silang pareho.. But I like the shake better. :) Next time, we'll try the pasta.. :)

"Over a cup of coffee
We could travel with our words
The espresso shoots me up
The surrounding is a blur
Over a cup of coffee
We are drinking drop by drop
Thinkin' lovely lady
Could you share with me
Just another cup"


           ♥♥♥

Buhay Call Center

"Thank you for calling... How may I help you?"

Yan ang linyang ginagamit sa industriyang iniikutan ko. Mga 2003 siguro ako nagsimulang magtrabaho sa isang call center. Kumakanta kasi ako dati. Okay sana kasi enjoy enjoy lang. Nakakainom ka pa gabi gabi. Pero hindi naman din kasi ganoon ka stable ang buhay ng isang musikero.

Isang araw, napagpasyahan kong mag apply sa isang call center sa Eastwood. Bakit call center? Lagi ko kasi naririnig na okay ang sweldo dito. Kinakabahan pa ko noon syempre kasi first time ko. Nosebleed pa dahil dapat magaling daw mag Ingles. Confident naman ako dahil nakapag aral naman ako sa magandang paaralan. Pero iba pa rin talaga yung feeling na ikaw yung aplikante.

Ayos! One day process! Natanggap ako! Woohooo!! First time real job ko 'to!

Agent o CSR ang tawag sa akin noon. Training. Masaya. Parang classroom lang. Sabay sabay kayong nagaaral at titingnan kung makakapasa ka. Tinuruan kami magsalita ng Ingles na may accent. Sus! Ano bang pinagkaiba nun sa karaniwang Ingles? Oh well.. Makalipas ang isang buwan, nalipat kami sa Makati. Wow pare hebigat! Ang layo! Paalala ko lang na sa Antipolo ako nakatira. E kung lumamon pa naman ng gasolina ang sasakyan na lagi kong dala dati e susmaryosep! Parang laging uhaw! Kinailangan kong tumira sa mas malapit sa opisina dahil nahihirapan ako lalo na sa schedule. Okay naman ang account na napuntahan ko. Sales. In short, nagbebenta ng mga computer sa mga Kano. Okay naman. Pero walong buwan lang ang itinagal ko. Nakakasawa din pala magbenta ng paulit ulit. Yun at yun lang ang ginagawa mo. O siguro, dahil baguhan ako sa mundong ito, madali akong nagsawa. Plus the fact na yung mga kasama kong beterano na e gagatungan ka pa na "madami namang call center jan".. In short, nag resign nga ako.

Day 12 - A picture of something you love


A picture of something I love... Something naman di ba? Hindi naman someone! Hahahaha!! Okay, I love STARS so much! Aside from the color purple, eto na.. Stars talaga e. Simula noon, eto na ang kinahihiligan ko. Kanya kanyang trip naman di ba? Mula damit hanggang sa abubot, gusto ko ng stars! :)

Yun lang! Star Happiness! :)

Saturday, July 23, 2011

Day 11 - A picture of something you hate

Shet naman o! E iniisip ko pa lang, ayoko na ituloy! Hahahahha! Oh well, kasama kasi sa challenge! Grrrr.... Actually, 2 lang naman ang pinaka hate ko sa mundong ibabaw! Hate na hate ko na nga, takot pa ko dito..



Eto ang una.. I really hate snakes.. As in hindi lang hate ha! Takot ako jan! The thought pa lang, ayoko na talaga. Paano pa kaya pag nakakita ako?? Grabe, yung tipong kung kasali ako sa Fear Factor, patay.. Deads na ko nito.. At eto ang nakakatawa sa pangalawang pinaka ayaw ko.. Sa sobrang hindi ko kaya makita kahit picture, yung cartoon version ang ilalagay ko.. Hahhahahaha..




O di ba.. At least cute ang dating! I need to get this done and over with! Hahahahhaha! Can't stand it..

Friday, July 22, 2011

Day 10 - A picture of someone you do the craziest things with

I am dedicating Day 10 to my friend. Namiss ko kasi sya. We've been friends for about three years and about three months. Boss ko... Pero ang pinaka importante...Kaibigan ko..

The day he interviewed me.. sabi ko.. magaling to.. matalino.. sana makuha ako.. Hindi ko pa makakalimutan yung unang linya nya habang binabasa ang resume ko.. "Oh, we have the same birthday!". Simula noon, may rapport na kami. Hehehehe.. It took a while bago ako nagsimula. Okay na! Yehey! May trabaho na ko! Hindi lang pala trabaho ang nakuha ko.. Nakakilala ako ng isang taong napakasarap maging kaibigan at kasama. Dito ko naramdaman talaga na ang sarap pumasok sa opisina kasi naging kaibigan mo na yung boss mo. Yung tipong may takot ka dahil boss mo pero at the end of the day.. pwede kayong tumagay dahil magkaibigan kayo.. Alam ko na kung kelan sya masaya, malungkot, at kung bad trip man sya. Naaalala ko pa na kapag bad trip sya, tatakas ako at pagbalik ko, aabutan ko sya ng Happy Meal ng Mcdo at sabay ngingiti na. :) Nakakamiss...

Trabaho kung trabaho pero kaibigan kung kaibigan. Ang tagal din ng pinagsamahan namin. Kung nasaan sya, nandoon ako. Pag wala ako sa bahay nya, sya ang nandito sa bahay namin. Pero dahil call center, dapat ready ka sa lahat ng pwedeng mangyari...

Wednesday, July 20, 2011

Day 09 - A picture of the person who has gotten you through the most


Isa lang naman ang lagi kong nilalapitan.. Masaya man ako o malungkot... Sya lang talaga..

Pero minsan, nakakatawang isipin na may mga taong lumalapit lang sa Kanya kapag may problema.. Pero kapag masaya, nababalewala na lang.. Tsk tsk tsk...

Hindi ako perpekto.. Hindi nga ako nakakapagsimba linggo linggo.. Parang hindi ko nga maalala kung kelan yung huling misa na napuntahan ko.. Ang bad ko no.. Pero hindi din.. Kanya kanya lang yan.. Ako kasi, naniniwala ako na basta marunong kang magdasal, at lagi mo Syang kausap, pwede na yun.. Pero para sa akin lang to ha. Hindi ko sinasabing tama ang prinsipyo ko pero ganun e..

Para sa kin, He is the only one who has gotten through me the most. Hindi naman lahat ng tao sa buhay natin laging present.

Pamilya man o kaibigan, pwedeng mawala.. Pero Sya? I doubt.. Nandiyan lang Sya lagi..

Naalala ko tong linya ng kanta. Noong Grade 2 ako, kinanta ko ito sa simbahan.. At kapag naririnig ko ito, lagi akong napapaluha..

"Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon"


Oo nakakakalimot ako, pero sinisiguro ko na at the end of the day.. kailangan ko Sya..

Tuesday, July 19, 2011

Day 08 - A picture of your most treasured item

Most treasured item... Actually, syempre lahat naman ng gamit natin dapat treasured di ba? Pero kung ako ang pipili... hmmmm... Aha! apat ang pipiliin ko...


Si Bogart.. I got him last February 3, 2010 to be exact! :) Aba akalain mo 17 months ko na pala binabayaran ito! hahahahhaha! Pero worth it.. Kahit walang matira sa akin. :)

Monday, July 18, 2011

Day 07 - A picture that makes you laugh


Naiisip ko pa lang yung picture na ilalagay ko natatawa na ko.. :) ang galing nya kasi magpatawa kaya sya na lang ang napili ko..

Si Eugene Domingo ang napili ko. Whenever I see a picture of her, natatawa na ko. Yung tipong kahit facial expressions pa lang, sabayan mo pa ng mga banat nyang dialogue sa bawat eksena, Pak! Panalo talaga at humahalgpak ako sa tawa.

Noong ni launch sya sa pelikulang Kimmy Dora, naisip ko pa na baka boring at nakakapagtaka na may pelikula na sya. Bida pa. Pero pinanood ko naman. :) Ayun, simula noon, gusto ko lagi panoorin ang mga pelikula kung saan sya kasama.

Magaling na artista. May tamang timing sa komedya.


Masarap ngumiti, masarap tumawa. Happy lang! :)

Sunday, July 17, 2011

Day 06 - A picture of a person you'd love to trade places with for a day

Hahahaha.. Madali lang ito para sa akin. Kung may isang tao man na gusto kong makipagpalitan kahit isang araw? Syenpre, sa idol ko na.. :)

Yes, Regine Velasquez is my idol.

Oo, nabanggit ko na mahilig ako kumanta. Alam ko, bata pa lang ako, musika na ang hilig ko. Siguro mga 3 years old pa lang ata ako, mahilig na akong kumanta. Yung tipong kapag may reunion, pinapatayo ka pa sa mesa para mag entertain ng bisita. Hahahaha.. Ang una kong naging paboritong kanta? "Healing" ata. Kapanahunan pa ng Bagong Kampeon.

Hindi pa sikat si Regine noon.. Simpleng Chona palang sya. Alam kong napakagaling nyang singer. Lagi ko syang inaabangan sa TV. Hanggang sa gumagawa na din sya ng pelikula. May ibubuga naman pala. Sinubaybayan ko lahat ng album at pelikula nya.

Tama nga ang sabi ni Vice Ganda. Hindi ko alam kung bakit ang mga Pinoy, todo palakpak kapag bumibirit ang isang mang aawit. Kahit wala sa tono basta mataas, hala, sige, palakpakan!

Pero para sa akin, iba kasi si Regine. Iba yung timbre at range ng boses nya. Vocal prowess nga anila. Ang galing din nyang mag control ng boses. Kumbaga, Versatile sya.

Sabi ko nga sa sarili ko... "Makilala at maka duet ko lang si Regine, pwede na ko mamatay!" :) Pero seryoso, gusto ko talaga ma meet ang idol ko. Bonus na lang kung maka duet ko sya. Hahahahaha!

Kanya kanyang idolo lang yan. Walang basagan ng trip! :) Meron mang mangilan ngilan na may ayaw sa kanya pero para sa akin, idolo ko sya. At bigyan man ako ng pagkakataon na pumili ng taong pwede ko makapalitan ng isang araw.. sya yun.. Para malaman ko ang buhay nya. Una kong gagawin? Kakain ng chocolates at iinom ng malamig! Hahahhahaha!

The Songbird... Idol Happiness!

Saturday, July 16, 2011

The irony of life...

Ang daming test ng buhay. May madali.. May mahirap.. Ganyan talaga ang buhay... Magmula nang tayo ay isilang sa mundong ito, nagsimula na ang mga test sa buhay natin. Napaka ironic ng buhay.. Sala sa lamig, sala sa init.. Paano ko nasabi? Ganito yun..

Infant to play age stage.. (siguro from new born to about 3 years old)

Noong sanggol pa lang tayo, siguro ang unang pagsubok natin ay yung matutong magsalita. Minsan, nakakatawang isipin yung mga magulang na nagsasabing "ang cute ng anak ko! sana magsalita ka na!" Ü Pero pag natuto nang magsalita, nakukulitan na. Kagaya lang ng pagtayo at paglakad ng isang bata.. minamadali.. pero pag nakakatayo na at nakakalakad.. hala.. habol dito at habol doon. Tsaka ka naman makakarinig ng "sana baby ka na lang forever!" Ang gulo no! Ü May mga times pa na pag natutulog ang bata, gigisingin para maglaro dahil kakauwi lang ng magulang galing trabaho. Pero kapag naman ang bata naglalaro, pipigilan at papatigilin para matulog. Sabi nga sa isang pelikulang napanood ko.."hay... grown ups talaga..." Ü

Day 05 - A picture of your favorite memory

Favorite memory? Ang hirap naman. Kanina pa ko nag iisip.. Hindi naman pumasok sa isip ko ang pictures noong bata pa ko. E malamang wala pa akong masyado ng isip noon... Hmmmm... While browsing my files, eto na lang ang napili ko..


Favorite memory ko sa lugar na ito. Laguna Hot Springs. Nakagisnan ko kasi na dito lagi pumupunta ang pamilya ko kapag may outing. Hindi ko na nga maalala kung ilang taon ako noong una akong nakapunta sa lugar na ito. Pero sabi ng daddy ko, bata pa lang daw ako. Siguro mga 3 years old pa lang ako, "tambayan" na ito ng mga elders.

Hot spring kasi ito. Yung tipong pang may rayuma. Hehehehe. Dito din ako nakakita ng minamasahe sa tubig. At ang gamit? Shampoo at sabon! Astig di ba? Pwede din fish spa kasi kapag tumambay kayo sa pinaka mainit na sulok, may mga fish na magtatanggal ng dead skin sa paa nyo. :)

Mura lang dito. Hindi kasi sya private resort. Huling punta ko dito noong February. Birthday ni Bunso. Kung hindi ako nagkakamali, Php 80 ang entrance fee. Pwede kayo magbaon ng pagkain o kaya naman pwede din kayo magpaluto doon. Panalo ang adobo at sinigang sa miso. Ang masahe naman, Php 150. Sulit na! Matatanggal talaga ang mga namumuong lamig sa katawan nyo. Kaya kung gusto nyong mag unwind, okay dito! mag eenjoy pa ang mga elders. :)

Happiness! :)

Friday, July 15, 2011

Day 04 - A picture of yourself and a family member

I am sharing with you a picture of my family. Hindi lang isang family member ito. Dinamay ko na lahat. :) Sila ang rason kung bakit ako nandito sa mundong ito. Galing ako sa isang broken family. Pero hindi ito dahilan para maging rebelde ako. Tinanggap ko ang mga pangyayari sa buhay ko. At lahat sila mahal ko. Sabi nga nila "basta masaya ang tropa!" :) Naghiwalay ang mga magulang ko mga 1997 ata yun. Pero hindi ko ito minasama. Minahal ko lahat ng nagmamahal sa akin.

I consider myself lucky to have my parents and siblings. Cool sila lahat. Naaalala ko noong high school ako.. lahat ng friends ko may curfew. Ako? Wala! Basta magpaalam lang at umuwi. Daddy ko super cool. May hikaw. :) Si "Meme Melou" sobrang bait at masipag. Naiintidahan nya lagi yung mga bagay bagay. May paninindigan. Laki ng pasalamat ko kasi love na love nya si dad. Thank you sa love na binibigay mo sa amin.

Kapatid ko? Mahal ko silang dalawa. Dumating man ang puntong hindi kami nagkakaintindihan, ganoon naman ata talaga. Napagdadaanan yan ng magkakapamilya. Naalala ko noon, nag away kami ni Kuya.. mga isang taon din ata kami hindi nag usap. Tapos, tipong pasko na kami nag usap. Ganoon din kay Bunso. Hindi naman kasi sa lahat ng oras, okay tayo lahat.

Thursday, July 14, 2011

Day 03 - A picture of the cast from your favorite show

Actually, 2 yung favorite TV show ko ngayon.. It's the Pinoy Biggest Loser and 100 Days to Heaven. Consistent yan. Pag uwi ko, sa internet ko na lang pinapanood itong mga palabas na ito. Kasi naman, may shift ako sa office.. Routine ko na yun.. Pagdating ng bahay, bihis, laptop agad. Tapos pag bukas ko ng tabs ng Google Chrome, automatic yan. Facebook, Yahoomail, Blogspot, and Pinoyfanatictv!


Wednesday, July 13, 2011

Day 02 - A picture of you and the person you have been closest with the longest

Mahirap pala mag isip ng taong pinaka close mo.. Kasi kung ako tatanungin, laging family. Syempre, they've been with me all throughout my 32 years of existence! Pero may ibang category sila dito sa bucket list. So isip, isip, isip.. Grrr... Ang hirap! Pero sige, challenge is on. As I was browsing through my files, I bumped into one of my folders with my friends.. I miss them so much!


Tuesday, July 12, 2011

Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts..

Okay, so I am starting the challenge... Yung picture madali. Yung facts ang mahirap! Hehehehehe..

Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts


  1. Mahilig akong kumanta, kumanta, at higit sa lahat... kumanta!
  2. Hindi ako masyado mahilig kumain ng gulay.
  3. I have a total of 65 permanent stars (tattoo) in my body.
  4. I know how to cook. My specialty is Spicy Tuna Carbonara.
  5. I love to travel and explore.
  6. I love the beach! (pero hindi para mag swim kung hindi magpa tan lang. hehehehe.)
  7. My favorite perfume is Kenzo. 
  8. Pinangarap ko magkaroon ng twin. :)
  9. Idol ko pa din si Regine Velasquez.
  10. Pretty Woman is my favorite movie of all times.
  11. I am starting to love writing.
  12. I am not fond of reading books.
  13. I love the color Purple.
  14. Mabubuhay ako sa hotdog (basta Purefoods), corned beef (Purefoods pa din), and Spam.
  15. Gusto kong simulan mangolekta ng Chucks at Havs.
Yey! Day 01 done! :) Happiness! :)

Photo challenge

I so love photography. Self learn. Habang nagbabasa ako ng mga blogs, I came across one page. May bucket list sya. And I was challenged to do it. Pinag isipan ko pa talaga. Pero dahil sa hilig ko na din ang photography at pictures, I'll try. Kasi naman.. gusto ko ako lang ang kumukuha ng piktyur.. camera shy ako.. Pero hmmmm.... kaya ko to.. Susubukan kong gawin ito daily. Here's the list:


Day 01 - A picture of yourself with fifteen facts
Day 02 - A picture of you and the person you have been closest with the longest
Day 03 - A picture of the cast from your favorite show
Day 04 - A picture of yourself and a family member
Day 05 - A picture of your favorite memory
Day 06 - A picture of a person you'd love to trade places with for a day
Day 07 - A picture that makes you laugh
Day 08 - A picture of your most treasured item
Day 09 - A picture of the person who has gotten you through the most
Day 10 - A picture of someone you do the craziest things with

A Very Hot Night with the Mocha Girls Part 2

Okay, so dahil masyado kaming nag enjoy noong unang beses naming napanood ang Mocha Girls, bumalik kami. Mas masaya ngayon kasi naalala nila kami ng slight. (Sabagay, ganun naman ata ang mga performers. Kahit hindi maalala, todo smile.) So this time, sumama na si Bunso. Sinabi kasi namin na sobrang saya noong first time. Pinaghanda pa namin sya para mapili sya ni Mae. Nanghahalik kasi si Mae! Hahahahaha!

Late nagstart ang show. At dahil consumable ang entrance, umorder na kami. Maganda ang pwesto namin this time. Sa harapan talaga. Wa pakels na kung hindi pwede mag yosi sa loob. Pwede naman kami lumabas kung feel na naming mag yosi. Basta gusto ko sa loob para mas okay! The nearer the better sabi ko sa kanila.

Dumating na ang inorder namin. Sosyal! Margarita inorder ko kasi hindi naman talaga ako beer drinker. Sakto at may promo tuwing 8pm-10pm. Buy 1 take 1 ang Margarita. Yung Grande ang inorder ko at ako'y nalula! Php 280 para sa dalawang ganito kalaki. Habang si Bunso naman ay Jack Daniels ang trip.


Monday, July 11, 2011

Kasambuhay Habambuhay

Hindi ko napanood ito noong pinalabas sa sinehan. Mabuti na lang na nakita ko sa TV na ipapalabas sya ngayong gabi. Inabangan ko ito kasi parang maganda yung trailer. 10 minutes per plot... 10 life changing stories...


1. The Howl and the Fussyket - Natuwa ako kasi first story pa lang, si Eugene Domingo na ang kasali. Ang galing nya kasi. Gustong gusto ko sya napapanood sa TV man o pelikula. Tungkol ito sa isang batang may "p and f" at "v and b" defect. Nakaktuwa. Isang batang kasali sa declamation sa paaralan nila. Nakakaaliw. It is a story of patience. Sabi nga nila, "practice makes perfect!"

Sunday, July 10, 2011

Loco over hot Choco

Grabe... Sunday... Walang magawa.. Bigla kaming nag crave ng KFC dahil na feature sya sa Rated K. Oo nga, nakakamiss ang manok nila! So, naisipan naming kumain doon. Yummy! Natapos din ang craving namin.

Pero hindi nagtapos doon. Dahil halos magkatabi lang ang KFC at 7-11, naisipan kong bumili ng hot chocolate. Dapat sa coffee shop talaga pero may hinahabol ako na palabas sa TV kaya sa convenience store na lang. hehehehe..

I hope you can check out and try the Hershey's Hot Chocolate from 7-11. Super yummy for me. Creamy chocolate talaga! I got the medium one. :)


Kung nagtitipid kayo, pwede naman ito panandalian kesa gumastos sa Starbucks o Figaro. :)

Hindi lahat ng masarap ay mahal. :)

The Coffee Place




The Coffee Place... isang kapihan dito sa Antipolo. It is also located along Circumferential Road. Kung nabisita nyo yung post ko about Siete-Siete Pares, ayun, sa isang street lang sila. Isang maulan na araw, ito ang pinaka masarap gawin. Ang mag kape. Kaya dito kami napadpad. Ilang beses na rin akong nakapunta sa lugar na ito. Pero dahil ngayon ko lang nakahiligang magsulat, susubukan ko na rin mag post ng article tungkol dito. Free Wi-Fi. Yosi area. Nice ambiance. Perfect para sa katulad ko na mahilig magkape.







Pagpasok mo pa lang, napaka "inviting" ng mga sari-saring pagkain na makikita mo. Ito ang karaniwang naka display sa may counter nila. From cookies, revel bars, pies, bread, etc.






Chillz.Perk Up.Chill Out

Saturday.. Pasok na naman.. At least, last day of the week for me tapos rest day na. :) woot woot!

Maulan na naman. Sakto! hindi ako late.. Last day ko na din to be with my agents before I transition to a new campaign. Officially.

First break na. yosi break. :) Nagkayayaan yung iba na bumaba sa Ministop para bumili daw ng Chillz. "Huh?" sabi ko. E hindi ko nga alam kung ano yun. Hindi kasi ako batang Ministop. Laking 7-11 kasi ako. Hehehehehe. Ang naiimagine ko sa Chillz e yung parang may sago. Zagu kumbaga. Basta sabi nila masarap yun. Sige lang. Hindi na ako bumaba. Naglambing ako sa kanila na ilibre nila ako nun. Kung ano man yun! Alam ko namang hindi nila matitiis ang paglalambing ko.

After 15 minutes, bumalik na sila. Dala nila ang napaka cute na Chillz!!! Woohooo!! Nakakaaliw ang lalagyan! Mali pala ako ng akala. Hindi pala sya parang Zagu. Parang shake lang na may nuts at marshmallows. :) Take a peek on this:


Lomograpiya

Photography is one of my passion. I'll deal with that next time. Pero sa ngayon, Lomograpiya muna. :)

Ewan ko ba kung ano meron sa LOMO photos pero I'm addicted to it. Ang ganda kasi ng effects. Parang buhay na buhay ang litrato. Napaka vibrant ng colors. Tamang description for happiness. Kahit saang angulo mo tingnan, ang ganda. Wala man akong tunay na Lomo camera, sinubukan kong mag download ng app sa phone ko. Viola! May instant Lomo madness na ako. This was my first shot using this application:


I ♥ Vinnie

I am writing this blog because it is my nephew's birthday... (commercial muna sa mga nagbabasa. Malayo kasi sila sa akin. Miss na miss ko na sila. Pamilya muna.) This is dedicated to Vinnie and Kuya. Why am I writing this? So that after a few years, you will know Tita Ninam loves you soooooooooo muchhhhhhhh! Eventhough we are miles apart, you have a very special place in my heart.

Dear Vinnie,

The moment I saw your pictures when you were born, awwwww... you were awesome!


Saturday, July 9, 2011

A Very Hot Night with the Mocha Girls

Isang araw, habang kami ay naglalakbay sa kahabaan ng Sumulong Highway, nakakita kami ng isang tarpaulin..


Wow! Mocha Girls! Totoo kaya ito? Every Mondays daw... This caught our attention kasi nga this group's leader is Mocha Uson.. For those who do not know her, she is known as one of the few female personalities in the Philippines who openly admit to being bisexual. Tapos ang hot pa lahat ng kasama nya.

Ayon nga sa kanilang website:
"The hottest and most talented girl group in the music biz today in spite of the tough race for recognition.. With so many groups similar to MOCHA GIRLS coming out nowadays, their 2009 BEST DANCE ALBUM AWARD from PMPC Star Awards for Music have proven that they are the best sing and dance group today. They can certainly turn everybody in the party mood once they hit the center stage. Their repertoire is a mix of everything from current hits and the best of new wave down to the memorable music of the 70’s. The group consists of 3 young and talented girls and backed up with 2 professional dancers YUMI & AURA they are called Mocha Dancers. They perform with a live band called ICE."