Friday, July 22, 2011

Day 10 - A picture of someone you do the craziest things with

I am dedicating Day 10 to my friend. Namiss ko kasi sya. We've been friends for about three years and about three months. Boss ko... Pero ang pinaka importante...Kaibigan ko..

The day he interviewed me.. sabi ko.. magaling to.. matalino.. sana makuha ako.. Hindi ko pa makakalimutan yung unang linya nya habang binabasa ang resume ko.. "Oh, we have the same birthday!". Simula noon, may rapport na kami. Hehehehe.. It took a while bago ako nagsimula. Okay na! Yehey! May trabaho na ko! Hindi lang pala trabaho ang nakuha ko.. Nakakilala ako ng isang taong napakasarap maging kaibigan at kasama. Dito ko naramdaman talaga na ang sarap pumasok sa opisina kasi naging kaibigan mo na yung boss mo. Yung tipong may takot ka dahil boss mo pero at the end of the day.. pwede kayong tumagay dahil magkaibigan kayo.. Alam ko na kung kelan sya masaya, malungkot, at kung bad trip man sya. Naaalala ko pa na kapag bad trip sya, tatakas ako at pagbalik ko, aabutan ko sya ng Happy Meal ng Mcdo at sabay ngingiti na. :) Nakakamiss...

Trabaho kung trabaho pero kaibigan kung kaibigan. Ang tagal din ng pinagsamahan namin. Kung nasaan sya, nandoon ako. Pag wala ako sa bahay nya, sya ang nandito sa bahay namin. Pero dahil call center, dapat ready ka sa lahat ng pwedeng mangyari...

Ayun, nangyari na nga ang kinatatakutan ko.. Kailangan nyang lumipat ng site.. Hay.. Naalala ko yung araw na yun. Halos lahat malungkot kasi iiwan na nya kami. Ako? Natakot ako kasi baka makalimutan nya ko. Pinigilan kong umiyak. Naalala ko pa, habang nagmamaneho ako ilang oras bago ang flight nya, sabi ko sa kanya.. "Ikaw ha, nakakatampo ka na! Bakit yung ibang tao iniiyakan mo tapos ako hindi! Hmp!" Pero isa lang ang nasabi nya sa akin.. "Alam mo kung bakit hindi kita iniiyakan? Kasi alam kong nanjan ka lang... Hindi ka mawawala.. Saan man ako mapunta, kaibigan pa din kita!". Doon ako naiyak mga dabarkads. Alam mo yung feeling na.. shet! Mahal nga ako ng taong ito..

Our memories together... Kelan kaya madadagdagan ng bagong piktyur?


Nakabuo na kasi kami ng friendship.. Oo, friendship para sa akin na talagang dadalhin ko sa pagtanda ko.. Noong nandoon na sya, lagi kong iniisip kung sino kaya ang gumaganap na "Ako" sa site na yun... hehehhehe.. Lagi kong iniisip na sana meron.. Alam ko namang masaya sya doon..

Dumalang na ang pag uusap, pagtetext, at kung ano ano pa.. Pumasyal ako minsan doon.. Na miss ko sya. Hindi ko masyadong naramdaman na matagal na pala kami hindi nagkita...

Kakakita lang namin noong isang linggo.. Sabi ko sa sarili ko.. "Gosh! I missed this person!" Yung tipong hindi ko na naman alam kung kelan kami magkikita pero alam ko sa sarili ko na KAIBIGAN ko talaga sya..

Day 10 - A picture of someone you do the craziest things with.. Bakit ikaw? Kasi I missed everything! Food trip, joy ride, iyakan, tawanan, sermon, sleepover, travel, tambay, chikahan, pictures, making faces, at kung ano ano pa. If I were to choose a person to do other crazy stuffs with? ikaw yun!

Namiss kita.. Sharing with you our latest picture together.. Kelan kaya mauulit?


"Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin akoy napatingin 
Sa dalagang nababalot ng hiwaga. 
Mapapansin kaya sa dami ng yong gingawa 
Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka"

Cheers to FRIENDSHIP!

No comments:

Post a Comment