Thursday, July 14, 2011

Day 03 - A picture of the cast from your favorite show

Actually, 2 yung favorite TV show ko ngayon.. It's the Pinoy Biggest Loser and 100 Days to Heaven. Consistent yan. Pag uwi ko, sa internet ko na lang pinapanood itong mga palabas na ito. Kasi naman, may shift ako sa office.. Routine ko na yun.. Pagdating ng bahay, bihis, laptop agad. Tapos pag bukas ko ng tabs ng Google Chrome, automatic yan. Facebook, Yahoomail, Blogspot, and Pinoyfanatictv!



Bakit Pinoy Biggest Loser? Unang-una, kasali kasi yung dati kong kaopisina.. Si Eboy. :) Nakakatuwang panoorin na kasama sya sa cast. Gusto ko makita ang transformation nya. Nagulat ako noong nakita ko sa primer ng show na kasali siya. Simula noon, nasubaybayan ko na yung palabas araw-araw. At ang pangalawa kong dahilan kung bakit isa ito sa aking mga paborito, syempre kasi tabachingching din ako. Malamang na self-explanatory na ito.. (woooshhooooo... lalim!)

So, bakit 100 Days to Heaven? Aliw na aliw ako kay Xyriel Manabat! Hindi ko man sya masyadong nagustuhan sa Agua Bendita, pero dito sa palabas na ito, ohmaygas! ang galing nitong batang ito! Kapupulutan din ito ng aral. Nasimulan ko panoorin ito at hanggang ngayon, I am still hooked to it. Kuha mo? :)

Enjoy watching! :) TV Happiness! :)

No comments:

Post a Comment