Saturday, July 16, 2011

The irony of life...

Ang daming test ng buhay. May madali.. May mahirap.. Ganyan talaga ang buhay... Magmula nang tayo ay isilang sa mundong ito, nagsimula na ang mga test sa buhay natin. Napaka ironic ng buhay.. Sala sa lamig, sala sa init.. Paano ko nasabi? Ganito yun..

Infant to play age stage.. (siguro from new born to about 3 years old)

Noong sanggol pa lang tayo, siguro ang unang pagsubok natin ay yung matutong magsalita. Minsan, nakakatawang isipin yung mga magulang na nagsasabing "ang cute ng anak ko! sana magsalita ka na!" Ü Pero pag natuto nang magsalita, nakukulitan na. Kagaya lang ng pagtayo at paglakad ng isang bata.. minamadali.. pero pag nakakatayo na at nakakalakad.. hala.. habol dito at habol doon. Tsaka ka naman makakarinig ng "sana baby ka na lang forever!" Ang gulo no! Ü May mga times pa na pag natutulog ang bata, gigisingin para maglaro dahil kakauwi lang ng magulang galing trabaho. Pero kapag naman ang bata naglalaro, pipigilan at papatigilin para matulog. Sabi nga sa isang pelikulang napanood ko.."hay... grown ups talaga..." Ü

Pre-school stage (4 to 6 years old)

Dito naman papasok lahat ng katanungan na pwede itanong ng bata. Nagsisimula na kasi magkaisip. Ito na rin yung stage na pumapasok na sila sa tinatawag na "pre-school". Nagkakaroon na ng pagkakataong makasalamuha sila ng ibang bata at ito na ang stage kung saan matututo na ang bata na magbasa at magsulat. Dito natin maririnig yung mga tanong na "Bakit?" at "Paano?". Yung tipong kahit ano ang isagot mo sa tanong nila, may kasunod na "Bakit?". Halimbawa, nagtatanong na sila kung saan sila galing, paano sila nabuo, at kung ano ano pa. Naiisip din ng mga magulang na "sana lumaki ka na para alam mo na lahat".. O kaya naman ang favorite kong sagot ng mga magulang na "Di bale anak, paglaki mo, maiintindihan mo din ako.."

Primary school age to Pre-teens (7 to 12 years old)

Naku! eto na ang oddest stage. Transformation stage kumbaga. Para sa mga dalagita, eto na yung part kung saan nagsisimula ang monthly period. Sa mga lalaki naman, circumcision. Dito na din tayo nagsisimula humanga. Mapa babae, lalake, tomboy man o bakla. Pero hindi masyado binibigyan ng pansin kasi eto ang elementary years. So kadalasan, nag eenjoy pa ang mga batang mag aral at maglaro. La masyadong irony dito dahil sa next stage, napakarami naman..

Adolescence / Teenage life (13 to 19 years old)

Eto na... this is it! Masarap ang teenage life. Pero sa bawat sarap, may pait. Sa bawat saya, may lungkot. Ironic nga e. Ü Sa pag aaral, sasabihan tayo na mag aral mabuti. Pag dumating ang grades, okay.. pasado naman.. Pero sasabihan pa din tayo na "bakit hindi mataas ang grado?". Dito na din nagsisimulang ma inlove.. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng tao ganito ang pinag daanan.. Sa mga teenager na may strict parents, natututo silang magtago sa stage na ito. Yung tipong may jowa pero hindi nila alam.. ang irony? hindi mo namalayan, buntis na pala. Meron din namang tinutulak mag aral, pero nagbubulakbol na pala. Na ang alam ng magulang pumapasok pero naglalaro lang pala sa mga computer shops o kaya naman namamasyal sa mga mall. Meron pa.. napakasaya magtapos ng pagaaral.. high school man o college pero pahirapan naman maghanap ng unibersidad o trabaho. Hay...

Adulthood

Para sa akin... ito ang pinaka complikado sa lahat.. Dito na tayo natututong tumayo sa sarili nating mga paa. Yung tipong sariling diskarte mo na. Nakakaranas na tayo ng pagkabigo. Pero natututo naman tayong bumangon. Pag nagsimula na tayo magtrabaho, hindi naman pwedeng diretso ka na sa taas. Syempre magsisimula tayo from scratch. Ang hirap no? Hindi ba tayo pwedeng makakuha ng malaking sweldo ng walang ginagawa? Ü Habang umaakyat ka ng hagdan ng tagumpay, parang lagi pa din may kulang. May mga nagsasabi nga ng "kapag swerte ka sa pag-ibig, malas ka sa pera" or vice versa. Hahahahaha. Kapag nanalo ka naman sa lotto, ang hirap mag isip kung sino ang babalatuhan mo at kung ano ang una mong bibilhin. Parang mga mayayaman lang, gusto ko silang tanungin kung lahat ba sila masaya? Ang mga mahihirap naman, hindi alam kung saan kukuha ng makakain.. Wala ngang perfect.

Siguro nga lahat ng tao may kanya kanyang irony. Marami pa kong mararanasang ganito sa buhay ko. Mahaba pa ang lalakbayin ko. Pero kung ano man ang dumating sa akin, haharapin ko na lang. Ang mas maganda dito, dapat harapin natin na nakangiti. Sabi nga sa kanta:

"Well life has a funny way of sneaking up on you
When you think everything's okay and everything's going right
And life has a funny way of helping you out when
You think everything's gone wrong and everything blows up
In your face"

Ü

Everyday will always be a learning process... Happy. Sad. Ironic.

4 comments:

  1. uhhh, it was soooo true...
    you really can't have "all"
    may mga mayayaman at hitik sa pera pero may mga malalalang sakit.
    'di nila madadala sa heaven or hell ang kanilang yaman.
    hai...Buhay nga naman.

    Nice rationalization of "reality." Those are the things we tend to disregard or ignore. =)

    ReplyDelete
  2. for me adulthood is the most exciting part of our life.. it's when we really LIVE our life and our 'make or break' stage :)

    ReplyDelete
  3. I like this article Boss Kay.=) It's a throwback and at the same a time a glimpse of everybody's life-experiences. Keep it up!

    Dandee

    ReplyDelete
  4. Thanks danders.. :) happy reading! :)

    ReplyDelete