After shift, naisipan namin mag kape.. Kaya lang.. wala bang bago?? Same old places na lang lagi.. Bigla kong napagtanto na hindi pa pala kami nakakapagkape sa Hanoel. Isang maliit na coffee shop dito sa Antipolo. Halos katabi lang ng 7-11 at halos katapat lang ng National Bookstore.
Cute. Maliit lang sya. Cozy. Fresh sa paningin kaso ngayon lang namin napasyalan. Kakaiba kasi may mga musical instruments sa loob. Pwede mong gamitin ang mga ito. May piano, violin, gitara at flute. Mukhang Korean ang may ari kasi Korean yung theme. Alam mo yung feeling na para kang nanonood ng Koreanovela sa TV.
Simple lang ang menu. Wala pa masyadong sineserve. Simpleng hot and cold drinks at mga apat na klaseng pasta. E chocolate ang trip namin..
Hot chocolate - Php 90 / Chocolate Milk Shake - Php 120
In all fairness, masarap silang pareho.. But I like the shake better. :) Next time, we'll try the pasta.. :)
"Over a cup of coffee
We could travel with our words
The espresso shoots me up
The surrounding is a blur
Over a cup of coffee
We are drinking drop by drop
Thinkin' lovely lady
Could you share with me
Just another cup"
♥♥♥
No comments:
Post a Comment