Meet Marlon... ang gitarista... :)

Mukhang seryoso pero kwela yan! :) Yan ang una kong impression noong first time ko na encounter yung grupo nya.. (iba pa ang bokalista nya noon. Hi Micah! :)) Mabalik tayo.. in fairness.. sabi ko sa sarili ko.. magaling ito. Pero sabi ko.. "masubukan nga".. Hmmmm... Nag request ako na makiki jam ako sa kanila. "Better Days".. Wow! Naloka ako.. Magaling nga sya! Kasi bibihira ang nakakatugtog ng acoustic ng kantang iyon. Yung iba, laging wala sa tono. Pero isa si Marlon na swak sa pandinig ko.. Nasundan pa ang panonood namin sa grupo nya.. Ayos naman kasi talaga! Naging regular kaming customers hanggang sa maging kaibigan ko na sila. Accommodating kasi.. di tulad ng iba.. Pag dadating kami doon, laging babati na yan. At kahit hindi pa ako nakakaupo at nakakaorder, jammer na pala ako. Hahahahha! Mabilis ding kausap. Naanyayahan ko sya na tumugtog minsan para sa kaarawan ni Bunso. Maraming salamat Marlon.. :)
Meet Roxy.. ang bokalista.. :)

Kalog ang lola mo.. Kabog din.. :) Kakaiba ang boses. Minsan kasi halos pare pareho na lang ang napapanood ko. Iba ito mga dabarkads. May kalaliman ang boses pero bumibirit.. Kaboses nya actually si Adele.. :) Sayang lang at hindi ko pa naririnig sa kanya ang Chasing Pavements.. Kailan ko lang nakilala si Roxy. (Iba nga kasi ang bokalista dati..) Kwela sya sa stage. Magaling kumuha ng atensyon ng manonood. Nagpapatawa din. :) Sana makilala pa kita ng husto at maging ka close. Hehehehe.. Magpahinga ka kasi minsan at alagaan ang boses. Ang dami din kasing raket nitong babaeng ito. :)
So here's a glimpse of their performance...
Happy Jamming!
"Every little thing she does is magic
Everything she do just turns me on
Even though my life before was tragic
Now I know my love for her goes on."
♥♥♥
No comments:
Post a Comment