
High school pa lang ako, paborito ko na sila. Naalala ko, mga 1995, nag guest sila sa school ko. Nagkataon na kaibigan pala sila ng Science teacher ko. E close kami kaya pinakilala nya ko. Astig! Pagkatapos nun, bumalik sila sa school. Medyo nakachikahan ko na sila dahil nga sa guro ko. :) woot woot..
Dahil doon, nagustuhan ko na ang tugtugan nila. Galing kasi e. Sarap pakinggan. Noong 1996, kung hindi ako nagkakamali, nag organize ako ng concert sa La Salle dito sa Antipolo. Sila agad ang naisip ko. Success naman! Salamat sa tulong nila Diego Mapa and the tropa. Hehehehe! (Mahagilap nga ang taong ito dahil matagal na din kami hindi nagkikita!)
Hanggang ngayon, hindi nawawala ang True Faith sa playlist ko..
"Changing hues, the change of seasons
Will leave you no clues
As desperation spreads within a broken soul
Life leaves you feeling dead
But just like Mathis singing
On a low-down Sunday afternoon;
The blues split apart all my senses depart
As I see you come into view"
♥♥♥
No comments:
Post a Comment