Late nagstart ang show. At dahil consumable ang entrance, umorder na kami. Maganda ang pwesto namin this time. Sa harapan talaga. Wa pakels na kung hindi pwede mag yosi sa loob. Pwede naman kami lumabas kung feel na naming mag yosi. Basta gusto ko sa loob para mas okay! The nearer the better sabi ko sa kanila.
Dumating na ang inorder namin. Sosyal! Margarita inorder ko kasi hindi naman talaga ako beer drinker. Sakto at may promo tuwing 8pm-10pm. Buy 1 take 1 ang Margarita. Yung Grande ang inorder ko at ako'y nalula! Php 280 para sa dalawang ganito kalaki. Habang si Bunso naman ay Jack Daniels ang trip.
Mga 9:45pm, nagsimula na agn ICE Band.. Hudyat na malapit na lumabas ang Mochagirls! :) Woohooo!!
Hindi nga kami nagkamali. Pagkatapos ng mga tatlong kanta, heto na sila. Tuwang tuwa ako kasi ang likot ni Bunso! Hindi mapakali. Hindi rin nya mai-focus ng tama si Bulilit. Tulad lang ng naramdaman namin noong unang beses. Todo smile kaming lahat. Ang gaganda talaga nila.
Si Mocha - Ang leader ng grupo.
Si Mae - Makulit at malambing. Dating member ng EB Babes.
Si Jhane - Masiyahin at malambing din.
Meron silang portion na nagpapakanta ng audience. Napili ako! Yehey! Time after time ang kanta. Buti alam ko. Isa sa mga paborito ko ito. Sarap ng feeling. Pinalakpakan ako. Woot woot! :) Magaling talaga sila mag perform. Energy kung energy! Hataw kung hataw! Yung mga kinanta nila ay halos pareho lang ng kinanta nila noong unang beses nanood. Pero may bago. May munting katuwaan sila para sa mga babae. Hala! Bigla naman akong hinila ni Mae. Susmaryosep! Sa laki kong ito! Sabi ko na "hindi ako sumasayaw. Kumakanta lang ako!!!" Pero bigla nyang sinabi na "Beh, tatayo ka lang doon at kakanta." Okay so nabuhayan naman ako. Nang sinabi na ni Mocha kung anong gagawin, grabe! Halos himatayin ako sa nerbiyos. Ayoko naaaaaaaaa!!! Kailangan daw kumanta habang gumigiling. E anak naman ng pitong puting tupa o! Hindi nga ako sumasayaw, gumiling pa kaya? Hahahahahha! Parang ang laswa naman kasing tingnan kapag ako ang gumiling. Hahahahah! Pero laro lang naman ito. Ayoko namang maging KJ. Sabi nga ni Mocha, walang malaswa sa katawan ko! Hahahhahaa! Anyway, ayun na. Natapos ang laro at masaya naman lahat. :) Sumunod na laro si Bunso naman!! Yebah!!! Madali lang yung kanila, gigiling lang din. Natulala si Bunso nang sayawan na sya ni Jhane sa tono ng "Bottom's Up!". Naku kung nakita nyo lang ang reaction sa mukha nya. Sayang at walang picture dahil video ang ginawa ko. Hahahahaha!
Ang saya. Sayawan na. Oras na ng kodakan! Nakikihalubilo kasi sila sa lahat. Hatak dito hatak doon. Hindi ka makakatanggi. Kahit hingal na hingal ka na, gora pa din! Eto na ang picture. Pinagsama sama ko na lang. Hehehehe.

Pero jackpot itong kaibigan kong si Karen! Hindi ko kinaya! Aba aba! Tingnan nyo o!

Hindi na sya makahinga pagkatapos nyan! Napakasarap aba! May plano pa yan mga dabarkads. Pinangarap namin na 2 Mochagirls ang hahalik sa magkabilang pisngi habang naka thumbs up sign sya. Pero panalo na ito! Kulang na lang hindi sya maghilamos pagkatapos ng show. :) Gudjab ka Karen! :)
Natapos na naman ang gabi. Umuwi kami ng may ngiti sa aming mga labi.
Happiness!
No comments:
Post a Comment