Hahahaha.. Madali lang ito para sa akin. Kung may isang tao man na gusto kong makipagpalitan kahit isang araw? Syenpre, sa idol ko na.. :)
Yes, Regine Velasquez is my idol.
Oo, nabanggit ko na mahilig ako kumanta. Alam ko, bata pa lang ako, musika na ang hilig ko. Siguro mga 3 years old pa lang ata ako, mahilig na akong kumanta. Yung tipong kapag may reunion, pinapatayo ka pa sa mesa para mag entertain ng bisita. Hahahaha.. Ang una kong naging paboritong kanta? "Healing" ata. Kapanahunan pa ng Bagong Kampeon.
Hindi pa sikat si Regine noon.. Simpleng Chona palang sya. Alam kong napakagaling nyang singer. Lagi ko syang inaabangan sa TV. Hanggang sa gumagawa na din sya ng pelikula. May ibubuga naman pala. Sinubaybayan ko lahat ng album at pelikula nya.
Tama nga ang sabi ni Vice Ganda. Hindi ko alam kung bakit ang mga Pinoy, todo palakpak kapag bumibirit ang isang mang aawit. Kahit wala sa tono basta mataas, hala, sige, palakpakan!
Pero para sa akin, iba kasi si Regine. Iba yung timbre at range ng boses nya. Vocal prowess nga anila. Ang galing din nyang mag control ng boses. Kumbaga, Versatile sya.
Sabi ko nga sa sarili ko... "Makilala at maka duet ko lang si Regine, pwede na ko mamatay!" :) Pero seryoso, gusto ko talaga ma meet ang idol ko. Bonus na lang kung maka duet ko sya. Hahahahaha!
Kanya kanyang idolo lang yan. Walang basagan ng trip! :) Meron mang mangilan ngilan na may ayaw sa kanya pero para sa akin, idolo ko sya. At bigyan man ako ng pagkakataon na pumili ng taong pwede ko makapalitan ng isang araw.. sya yun.. Para malaman ko ang buhay nya. Una kong gagawin? Kakain ng chocolates at iinom ng malamig! Hahahhahaha!
The Songbird... Idol Happiness!
idol ko din sya! dapat sa next concert watch na tayo ha! :)
ReplyDelete