Kami yung napakadalang magkita. Swerte na yung once a year. Itong picture nga na ito, parang 2 years ago na. Pero alam ko na makita ko man sila o hindi, magkakaibigan pa din kami. Sila yung tipong nakakakilala sa akin. Reactions pa lang ng mukha ko alam na nila. Kung tutuusin nga, high school pa lang ako, sila na ang nakagisnan kong tropa. Buti na lang hanggang sa tumatanda kami, magkakaibigan pa din. Hindi ko man sila nakikita lagi, may kanya-kanya man kaming layunin sa buhay, alam ko na once na mag krus ang mga landas namin, tiyak na kwentuhang walang katapusan ito.
Miss na miss ko na kayo.. Lyra, Jeus, Rizza.. sama ko din si Maan. Teka baka magtampo.. lagyan ko ng picture.. hehehehe...

Sana, magkasama sama tayo ulit. Kwentuahan at walang katapusang tawanan.. Kayo ang napili ko para sa Day 02 challenge ko kasi for the longest time, kayo ang mga naging kaibigan ko. Hindi nga ito "A picture of you and the person you have been closest with the longest"... But this is a picture of me with the PEOPLE I have been closest with the longest... Hindi lang ako ang naging kaibigan nyo, pati buong pamilya ko na...
I miss you girls..
Cheers to friendship!
i'm soooo touched by this! i miss you so much too, kay! as in! let's hang-out again..i miss those days. :-(
ReplyDeleteso sweet of you Kay!
ReplyDeleteMini reunion! Woot wooot!!
ReplyDeleteteh woowooottttttttttttt!!!
ReplyDelete