Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang napagtanto na masarap pala magsulat. Salamat sa kapatid kong bunso kasi sya ang nagmulat sa akin na stress buster pala ito. In fairness, oo nga. I started to join the world of blog just a few days back... and I am hooked to it. :)
Ang mga sinulat ko dito at mga artikulong isusulat pa ay sadyang ayon sa aking sariling pananaw at opinyon. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may kanya kanyang pinaniniwalaan kaya ibalato niyo na lang po ito sa akin. In this blog, you'll get to know more about me and my passions in life. Konti lang naman yun. Mahilig akong kumanta. My number one love. Buti na lang may talent kahit papaano. :) Mahilig kumain (kaya may mga features about food), mahilig mag travel (abangan ang mga places na mailalathala dito), At dahil sa hilig ko sa musika, malamang magsulat din ako tungkol sa mga banda, soloista, acoustic, at kung ano ano pa.
Masaya ito. Mahaba haba pa ang lalakbayin ko.
Kahit late bloomer ako sa mundo ng pagsusulat, I'll make the most out of it.
Kaya samahan niyo ako sa pagtuklas ng LITTLE and BIG things that make us HAPPY. :)
~ Kay ~