Isa lang naman ang lagi kong nilalapitan.. Masaya man ako o malungkot... Sya lang talaga..
Pero minsan, nakakatawang isipin na may mga taong lumalapit lang sa Kanya kapag may problema.. Pero kapag masaya, nababalewala na lang.. Tsk tsk tsk...
Hindi ako perpekto.. Hindi nga ako nakakapagsimba linggo linggo.. Parang hindi ko nga maalala kung kelan yung huling misa na napuntahan ko.. Ang bad ko no.. Pero hindi din.. Kanya kanya lang yan.. Ako kasi, naniniwala ako na basta marunong kang magdasal, at lagi mo Syang kausap, pwede na yun.. Pero para sa akin lang to ha. Hindi ko sinasabing tama ang prinsipyo ko pero ganun e..
Para sa kin, He is the only one who has gotten through me the most. Hindi naman lahat ng tao sa buhay natin laging present.
Pamilya man o kaibigan, pwedeng mawala.. Pero Sya? I doubt.. Nandiyan lang Sya lagi..
Naalala ko tong linya ng kanta. Noong Grade 2 ako, kinanta ko ito sa simbahan.. At kapag naririnig ko ito, lagi akong napapaluha..
"Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon"
Oo nakakakalimot ako, pero sinisiguro ko na at the end of the day.. kailangan ko Sya..
No comments:
Post a Comment