Friday, July 8, 2011

Fragile... A Night with Aiza Seguerra

July 3, 2011... An event organized by SMHS batch '94 featuring Faith Cuneta and Aiza Seguerra...


Exciting.. ang tagal na naming gustong makanood ng show ni Aiza. Lagi lang napupurnada kasi may pasok kami. While I was browsing facebook, nakita ko itong picture sa page ng friend ko. Concert daw sa Kyomz Loft featuring Aiza. Woohooo!! Eto na! This is it! Pagkakataon ko na mapanood si Aiza ng live. Paano ba naman? Huling kita ko sa kanya mag perform, "Pagdating ng Panahon" pa ata ang album na she was promoting. At take note! Sa mall pa ito! Hay.... Anyway, exciting to! May entrance.. Php 300. Okay na yun. For a good cause naman. Isang cancer patient ang beneficiary. At least nakapanood na kami, nakatulong pa!

Okay. I remember, Sunday yun. At first, nagkatamaran pa kasi wala na masyadong budget dahil wala pang sweldo. Tapos sinabayan pa ng ulan... Hay... nawawalan na ako ng pag-asa. Pero boring naman mag-stay sa bahay kaya naisipan naming tumuloy. 9pm na. E sabi sa facebook, 8pm ang start.. Hay.. pinoy nga naman! Ayun na, mga 9:30pm kami dumating doon. Halos sabay lang kami dumating ng isang BFF ko. Bago kami umakyat, Ohmaygas! kakadating lang ng kotse ni Aiza. Nakahiga sya sa passenger side. Na excite ako bigla...

Pag akyat namin sa napakatarik na hagdan ng Kyomz Loft (mga readers, kung gusto nyo maglasing, wag dito sa bar na ito dahil goodluck kung makababa kayo ng buhay! hehehehhe! I'll feature this place sa ibang post ko), ayun, nagbayad na kaming tatlo ng entrance. Yikes! daming tao! Sabi ko, "kahit dito na lang tyo sa may bar." Habang nakatayo kami sa masikip na daanan, sabi nung isang waiter, "Ma'am, meron pa po. Tuloy lang kayo." Ang mga pinoy nga naman. Parang sa jeep lang. Nagpapasakay kahit puno na. Ang daming tao. Hindi namin alam kung meron nga talagang vacant na table. E may magulong grupo. Di mo alam kung saan talaga uupo. Grrrrrness!!! Pero luckily, sa PINAKAHARAP kami pinaupo!!!! As in abot kamay si Aiza! :) This is it!! Masaya ito!! Maliit lang naman yung place kaya imagine nyo... ganito kami kalapit...


Okay.. So hindi pa agad nag start ang show. (Baka nahirapan din si Aiza umakyat. hehehehehe.) Si Mosang ang host. Nagentertain muna sya habang hindi pa nagsisimula ang show. After about 15 minutes.... Tentenenentenen!!! "Nanjan na si Aiza!!!" sigaw nya. Okay fine. We composed ourselves. Ohmaygas! Ayan na nga sya! Maliit lang pala si Aiza. As in parang mukhang matangkad pa nga sya sa tv.. hehehehe.. So nasa stage na sya.. Soundcheck ng mga 20 minutes ulit. Mukha syang masungit. Pero masama din daw kasi pakiramdam nya. Pero hindi... mukhang masungit talaga. Kasi soundcheck pa lang, alam mo yung mukha na naaasar kasi hindi ata makuha ni kuyang DJ yung gusto nyang tunog ng mic at gitara nya. Pero wapakels kami!

And the show began..Picture dito, picture doon, video dito, video doon..



Oo na.. pati tattoo nya sa paa kinunan ko ng picture.. Bakit ba? Tinesting ko lang yung zoom ni Bulilit! hehehehehe.. (palusot pa ko....)



Halos tahimik lahat.. Ganda ng boses nya.. I have always admired her voice kahit noong bata pa sya at kumakanta kanta sa Bulagaan portion ng Eat Bulaga noon. Grabe... I am still amazed.. Kahit masama pakiramdam nya.. I wanna share one video I took during the show.. Eto ang kanta kung saan sya MULI nakilala...

Pagdating ng Panahon



Nakakabitin... Hindi namin alam na 4 songs lang pala.. Oo nga naman.. benefit show kasi... She sang the following: (3 revivals and 1 original. And all her renditions were awesome!)
  • True Colors
  • Runaway
  • Pagdating ng Panahon
  • Huling El Bimbo
Oo bitin talaga... Pero we enjoyed those songs.. Ang galing..Okay so natapos na.. Yehey! Dahil dala ko si Bulilit, ayan! "kodakan" moments na! Sinabi ko sa sarili ko na dapat may picture kami! E dahil hindi namin alam na apat na kanta lang... Waaaaa!! Dumeretso na si Aiza pababa ng stage at naglakad na. E dahil maraming tao, wala din, naharang na ko ng bouncer! Grrrrrrr!!! At dahil dun,  alam kong kailangan naming ulit mapanood si Aiza. Next time it will be a full concert na. And I'll make sure na meron akong picture with her. Magkamatayan na!!! (Or mas maganda kung may isang may mabuting puso na ipakilala ako sa kanya. hahahahahaha) Pero okay lang, at least yung isang BFF namin may picture. :)

Aiza with Quennie


Hay... another memorable night with my BFF's... Sabi nga sa kanta, panahon lang ang magsasabi...

"Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo"


- Aiza Seguerra


One night of AIZA madness and HAPPINESS! :)

No comments:

Post a Comment