Thursday, July 7, 2011

Just Like A Tattoo



I would like to share one of my passions... I think I'm not that passionate about it pa kasi I only have 3! :)


TATTOO.. a marking made by inserting indelible ink into the dermis layer of the skin to change the pigment. Hehehehe. Salamat sa Wikipedia. :)


This started last year. May "tats" na si Bunso. Pero gusto nyang patakpan. Hanggang sa nakilala nya yung  officemate nya na nag refer sa isang artist. Okay na. Aabutin sya ng 4 sessions. Yikes! Parang ang sakit! Tinanong nya ko kung gusto ko. Sabi ko "Sige lang!". Knowing na matagal pa naman at may time pa ko mag isip. I was thinking na this is permanent. Not just "henna". Makalipas ang tatlong linggo, tinanong nya ko ulit. Sabi ko "GAME!". Tipong "Bahala na si batman" ika nga nila. 


September 18, 2010, naka set na ang appointment. We drove all the way to Commonwealth. Malayo. Pero this is it! Pinauna na nya ko. I told myself na I can do this. Matapang ako! 


Pagdating namin doon, hindi pa ko masyadong ready. Pero dahil pinauna na nga ako ni Bunso, sige lang. Drawing lang naman pala ito. Sus! kayang kaya! 


"Wow! Okay na! Pwede na umuwi!" Hahahhahaah! Pero hindi pa. Naalala ko, sabi ng artist, "Ah, matapang ka ha!" Aba aba! Sinagot ko naman na "Ako pa! Hello! Matapang akong pumasok dito kaya matapang din akong lalabas!" :) Pero deep inside, Ohmaygas! Nangangatog na ko!


Bakit STARS? Kasi favorite ko talaga yan. Sabi nga nila, kung magpapatattoo ka na rin lang, siguraduhin mong gustong gusto mo ang ipapalagay mo. I really dunno why I am so addicted to stars. I have shirts, bags, jacket, socks, at kung ano ano pa! The middle of the design has a big star and a heart composed of a G Clef and an F Clef. Why? Kasi I am into music. Yan ang passion ko talaga. We'll talk about that sa ibang posts. Hehehehehe.

Anyway, hindi ko makaklimutan yung unang tusok ng karayom. Because I really did not feel anything. Or siguro ginugulo lang ako ni Bunso para ma divert ako. "Ahhhh, kaya ko pala!" Yan ang nasabi ko kasi akala ko tapos na after ng outlining. Waaaa... Hindi pa pala! Gosh! Feeling ko naka isang kahang yosi ako sa tagal. Mabusisi kasi yung design at colorful pa! Pero sobrang nasiyahan ako sa resulta. As in I was so overwhelmed! The finished product? :)


Finally! 4 hours of pain, this is really worth it!

Pero hindi pa pala nagtatapos doon. Madaming nagsasabi na kapag nasimulan mo ang tattoo, masusundan.. Ayoko maniwala kasi okay na ko. Ang laking tattoo na nitong pinalagay ko!

Weh? Ano sa tingin nyo?

Tama! Exactly 5 months after, February 18, 2011, Oo na, nagpa tats ako ulit. :) Pero this is memorable kasi kaming tatlong magkakapatid ang nagpalagay. Ehem! Syempre salamat sa kuya kong nag sponsor! Heehehehhehe!

I wanted a bracelet this time.. Pereho kami ni Bunso iba nga lang ang design. But of course stars ulit!


Rosary ni Bunso

How Sweet! :)

Okay! This is it! Sabi ko sa sarili ko na tama na! :) Technically, I have 65 permanent STARS! Woot woot! :)

Pero hindi pa natapos.. May 6, 2011, a day before my birthday, niregaluhan ako ng isang tattoo session! Sino ba naman ako para humindi? hahahahahah! But this is also special.. Friendship bond kasi. tatlo kaming nagpatattoo ng same design! Susmaryosep! But I love it! I love them! :) My Bfffffffffff's :) You know who you are.. Nobody will break us apart..

FRIENDSHIP


This is it. As of writing, wala pa namang nadagdag.. :) Thinking of a design for my fourth ink.. :) Your thoughts? :)

This is TATTOO HAPPINESS! :)

P.S.
Special thanks to my artist, Joey. For those interested, please visit his website.
http://www.moonshinetattoos.com/

No comments:

Post a Comment