
1. The Howl and the Fussyket - Natuwa ako kasi first story pa lang, si Eugene Domingo na ang kasali. Ang galing nya kasi. Gustong gusto ko sya napapanood sa TV man o pelikula. Tungkol ito sa isang batang may "p and f" at "v and b" defect. Nakaktuwa. Isang batang kasali sa declamation sa paaralan nila. Nakakaaliw. It is a story of patience. Sabi nga nila, "practice makes perfect!"
2. Unplugged - This is a story of a coach played by Marvin Agustin. Usong-uso sa mga kabataan na mahihilig sa gadgets. Nagpunta sila ng probinsya at nakilala ang lolo ni Marvin.. Si Eddie Garcia. Oo nga naman, team building tapos walang inatupag ang mga bata kung hindi ang kanilang gadgets. Pero ang maganda dito, hindi lahat ng bagay natututunan sa matatanda dahil kahit sila, may napupulot din sa mga bata. :)
3. Silup - Simpleng storya. "Pulis" kapag binaliktad. Sid Lucero did a good job portraying a police officer. Walang asawa. Bakit? Dahil hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ng bala. Para sa kanya, kapag namatay ang isang tao ay dapat hindi sa kung ano pa man kung hindi dahil sa katandaan..
4. Isang Tasang Pangarap - Comedy. Ang galing ni Ramon Bautista. Simple lang ang pangarap nya -- isang tasang kape! :) Sabi nga ng kwento, "Tayo ang sarili nating pangarap.."
5. Sali-Salita - Touching story of a mother and son. Typical busy si mommy na may makulit na anak. Pero natutunan ko dito? Na minsan, naisasangtabi natin ang mga mahal natin sa buhay. Alam nyo, kadalasan, tayo din naman ang nakakatuklas sa mga kamaliang nagagawa natin. At pag nakita na natin ang maling iyon, tayo din ang natututo at gumagawa ng paraan para mabago iyon.
6. Oh! Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah! - Musical ang dating nitong istoryang ito. Nakakaaliw yung pamilyang bida. May Abakada pala ng Pag-ibig! Ang "Abakada ng matamis na OO!" At ang bottomline, "Mahal kita kasi you're YOU!". Simple pero swak!
7. Downtown - story of love. Chinatown ang setting. Typical Chinese. Halos wala ngang dialogue. Medyo naguluhan ako sa umpisa. Pero na gets ko na. Naghiwalay ang mag asawa. Lesson? Dadating din sa buhay natin na pag gising mo isang araw, nakalimutan mo na pala ang sarili mo dahil sa pagiging lugmok sa kalungkutan. Pero once you wake up, you realize that you still have a life. Once you fix it, then you have the time to face it. The ending of the story made me smile. Binalikan nya ang mahal nya. :)
8. Tingala Sa Baba - Friendship of two innocent kids. Typical rich and poor. Mataba at payat. Pero ang sarap panoorin ng mga batang ito. Simple yung storya pero may kabuluhan. Hindi mo talaga makikita ang baba kung lagi ka nasa taas. Pero sabi nga nung isa, mas masarap magsimula sa baba hanggang makarating ka sa taas.
9. Cooking Ko, Cooking Mo - Mala Romeo and Juliet ang tema ng kwentong ito. Istorya ng 2 pamilyang magkapitbahay na nagsimula maging magkakaibigan at nauwi sa awayan. Pero nagkaibigan ang mga anak nila. Nakakatuwa lang dahil ang laki ng part ng "Maggi Magic Sarap" sa kwentong ito. In the end, nagkatuluyan ang magsing irog at nagkaayos na din silang lahat. Sabi nga, "sama sama, salo salo sa hirap man o ginhawa".
10. Sign Seeker - Palong-palo itong episode na ito. Ewan ko ba kung bakit iba talaga ang charms ni John Lloyd. Samahan mo pa nga isang Solenn Heusaff! Susmaryosep! Kilig story ito. All about signs. Ibinigay na lahat ng signs nya pero dahil torpe sya.. TSK!
For me, my top 3 are:
- Sign Seeker
- Oh! Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah!
- Tingala sa Baba
Pero lahat sila maganda. Feel good. In addition, maganda ang soundtrack. Sana malaman ko lahat ng title ng songs para mahanap ko. But overall, it's all about...
Friendship. Family. Love.
Movie Happiness!
No comments:
Post a Comment