Monday, August 1, 2011

Day 14 - A picture of your favorite store

Ang hirap mag isip ng favorite store para sa isang taong katulad ko. Hindi naman kasi ako mahili mag shopping. Mapa damit, sapatos o make up.. Pag pumupunta ako sa mall, it's either kakain, manonood lang ng sine, o bumili ng toiletries. Hindi din naman ako maluho. Wala akong hilig sa branded na gamit. Simple lang kasi ako. Hangga't magagamit pa, gora lang! Masuwerte na nga na bumili ako ng damit o sapatos isang beses sa isang taon.. Kaya nahihirapan ako mag isip kung ano nga ba ang favorite store ko.. Naisip ko pa nga na baka pwede paboritong kainan na lang. Hahahhahaha! E hindi din naman ako mahilig magbasa ng libro kaya hindi ko mailagay ang National Bookstore! :)

Pero hindi.. nag isip ako.. at eto ang sumagi sa isip ko...



Yan ang 88 store! Hehehehhe! Pag nagagawi ako ng mall, sumisilip ako jan.. All around din kasi. Gamit sa bahay at mga abubot! Mura pa.. La naman kasi akong time mag shopping kasi iniisip ko, ipapambayad ko na lang kay Bogart. :) Pag may oras, dito lang.. halos lahat naman kasi Php 88 lang... may Php 66 pa nga e..

Pero pag may extrang pera at may time bumili ng damit, online lang ang karamay ko.. Plus size kasi ako e. :) Alam mo naman dito sa Pinas, mga chubby hater lahat ng damit! Hahahhahaha! Para sa mga katulad ko.. Try to visit this link: Kaiplus

Okay mamili jan. Hindi sila bogus. Ang gaganda pa ng items.

Kapag tinatamad naman ako.. nagpapabili na lang ako sa Tate! Hehehehhehe! Buti na lang, may mga kamag anakan ako doon. Hehehhehe..

"It's not about the money, money, money We don't need your money, money, money We just wanna make the world dance Forget about the price tag.."

Happy Shopping!

     ♥♥♥

No comments:

Post a Comment