Friday, August 19, 2011

Day 23 - A picture of someone you grew up with

Eto naman ang pagkakataon ko para ma feature si Bunso.. Oo Bunso, hindi ka naman mawawala sa listahan ng mga mahal ko sa buhay..

Matagal na itong litratong ito. Kasal pa ni Anne at Elmo. Nagpa drive ka sa akin kasi hindi ka ata marunong pumunta doon. Wala pa tayong GPS noon. Hehehehehe.. :) 


Someone I grew up with -- Ikaw na ang naisip ko para dito. Kahit apat na taon ang agwat natin, halos sabay naman tayo lumaki. Patpatin at hikain ka pa noon. Grabe ka noon magkasakit. Nawiwindang lahat kapag ikaw na ang inatake ng hika. Syempre, ang Bunso ng pamilya.

Nakakatawang isipin na minsan sayo pa ko lumalapit para hingian ng advise. Mas marami ka kasing alam. Hahahahaha!

Habang tumatanda tayo, nagkaroon ka na ng sarili mong mundo. Syempre, hindi naman pwedeng kasama mo  kami sa lahat ng bagay. Nakakaselos pa nga. Minsan nga, sinasabi ko sa sarili ko na sana wala ka na lang girlfriend para lagi kang tumatabi sa kin sa kwarto ko o kaya naman nagaaya ka uminom o mag kape. Nakakamiss kaya yun... Busy ka na kasi.. Pero kung saan ka masaya, susuportahan naman kita. :) Katulad ni Kuya, hindi naman maiiwasan na magkatampuhan. Nangyari din naman sa atin yan. Pero lagi naman natin naaayos. Tsaka hindi naman grabe.

Hindi ko makakalimutan yung surprise birthday party na ginawa ko para sayo. Timing na nandito din si Kuya. Kumpleto. Sana nga nasorpresa ka. Sa tulong ng mga kaibigan mo, feeling ko naman na success ito! Alam ko kasing halos hindi ka na nag birthday party simula nawala ang bestfriend mo...


Ikaw din ang humikayat sa kin mag pa tattoo.. In fairness, yung sa unang tattoo ko, hindi ako convinced na sulit at maganda not until noong sinabi mo na "Ate, maganda.."


Hanggang sa nasundan pa ito..

Salamat sa paghikayat mo sa akin magsulat.. Stress buster ko ito talaga.. Kung hindi dahil sayo, wala akong blog. Aabangan ko ang E-book mo.. At lagi mong tatandaan na ako ang number 1 fan mo pagdating jan.. :)

Excited na ko sa pagpunta natin sa Bora. At least ako kasama mo sa first plane ride mo. :) Bakit ito ang tugtog? Naalala ko kinanta natin yan minsan sa Padi's Point. :) Una't huling beses yun na nahatak kita sa entablado. At hindi ko alam kung mauulit pa yun. :)

Sana makalabas naman tayo ulit.. Kasi nakakamiss kang kasama. Lagi mo din tatandaan na mahal kita ha. Nandito lang ako para sayo..


Love you Bunso!

     ♥♥♥



5 comments:

  1. kakainggit kayo mga kapatid... kasi magkasama kayo.. pero dadating din time magkakasama na tayong lahat..

    ReplyDelete
  2. OMG. Hehe. Cute. :)

    Halina't magpa-tattoo na tayo ulet---SA BRASO naman! Ituloy ang Boracay na yan. Inom tayo minsan. Hehe.

    ReplyDelete
  3. Thanks mga kapatid.. Ako'y napaluha nyo sa mga comments nyo.. :)

    ReplyDelete
  4. You're so sweet kay.. naiyak ako. ahuhu..

    ReplyDelete
  5. buti naman you have each other, at least nakaka-kampante na you'll always be there for each other. nakakamiss din kayo. and to you, ill always miss you. oo ikaw lothario. :) ingat lagi.. :)

    ReplyDelete