Friday, August 5, 2011

Ang Babae Sa Septic Tank

Naging topic ko na sa blog ko si Ms. Eugene Domingo. Hindi na kaila sa inyo na isa sya sa paborito kong artista. Last July, nagkaroon ng Cinemalaya Festival. Nagtatampok ito ng mga indie films. Isang linggo din ang itinagal nito. Dalawang pelikula ang nais ko sanang mapanood pero ang layo kaso e. Sa CCP at sa Makati lang pinalabas. Pero tuwang tuwa ako noong malaman ko na ipapalabas ito sa mga sinehan.

Ang Babae Sa Septic Tank (Indie Film)


Umpisa pa lang ng pelikula, medyo inantok ako. Naligaw ako sa gustong ipahiwatig ng pelikula. Unti unti kong nakuha yung plot ng pelikula. 

Magkaibigan. Gagawa ng isang Indie film tungkol sa poverty. At ang bida? Syempre si Eugene. May mga jargons na ginamit. Pero dahil Masscom ako, medyo may ideya ako. Simple lang yung pelikula. Parang hindi nga sila nahirapan. Pero ang ganda ng atake. Paulit-ulit yung eksena. Nakakatawa pa nga noong pinag iisipan nila ang casting. Kung si Eugene, Cherry Pie, o si Mercedez. Hehehehehe.. Pero dahil may appointment na sila kay Eugene, ayun!

Pinaka gusto kong part yung apoointment nila. Nakakaaliw talaga si Eugene. Oo nga naman.. may tatlong klase ng pag atake sa pag arte.

1. The Elevator attack - parang nagsusun dance lang. Hahahahha.
2. The TV Patrol attack - yung tipong pasigaw lagi. 
3. As is, Where is - ang pinaka gusto kong atake sa pag arte. Hahahhaha. Dapat nyo mapanood para sa sample. 

Napaikot nila ng maganda ang kwento. Sana magkaroon din kayo ng chance mapanood ito. At syempre, yung ending yung pinaka highlight! Kasi yun yung scene 7 - septic tank! :)

"Walang Wala"

Happy watching! :)


No comments:

Post a Comment