Friday, August 12, 2011

Day 17 - A picture of something you love to do

Iisa lang naman ang pinakagusto kong gawin.. ang kumanta..


Bata pa lang ako, hilig ko na ito. Lagi ako nanonood ng Tanghalan ng Kampeon. Unang kantang nagustuhan ko yung awitin na Healing. Hindi ko nga alam bakit naging hilig ko ito. Mabibilang mo lang sa mga kamag anak ko siguro ang marunong kumanta. Hindi ako lumaki sa "singing environment". Hindi ko alam kung paano ako nahilig sa musika.

Naaalala ko noong grade 2 ako, naatasan akong kumanta sa christmas party ng klase ko. Naalala ko pa na ang kinanta ko yata noong mga panahon na yun e  kanta ni Whitney Houston. Pero dahil wala pa naman talaga akong alam noon, sige lang basta may participation sa class. Naalala ko din na kumanta ako noong first communion namin. Lumaki akong kumakanta sa karaoke ng mommy ko. Frustrated singer daw kasi sya.

Sumali ako sa Glee Club namin noong high school na ako. Sakto lang. Nag perform kami isang beses sa Shangri-La. Sa soprano one ako nilagay. Pero nag eenjoy ako kapag may mga "voicing" na nagaganap. Ang ganda kasi pakinggan kapag may second voice. :)

Pero ang nakatatak sa utak ko ay kung kelan talaga ako nahilig sa pagkanta. Hmmmmm... naalala ko na! Third o fourth year high school na ko noon. Late bloomer na. Hehehehehe.. Naging malaking bahagi ang kuya ko sa passion na ito. Noong mga panahong iyon, nagkaroon sya ng girlfriend na singer. Lagi kami nanonood ng mga gig nya. Ang galing nya. Lagi pang napapanahon ang mga kanta ng banda nila. Enjoy lang.

Pagtuntong ko ng college, nakahiligan ko na si Regine Velasquez. Icon ito. Kahit mahirap abutin yung mga kanta nya, lagi akong kumakanta dito sa bahay. Isang beses, nagkayayaan ang tropa sa 22nd street sa Marcos Highway. Hindi pa uso ang mga comedy bars noon. Pinakanta nila ako. Dahil hilig ko, sige lang. Wow.. first time akong kumanta sa crowd at pinalakpakan. Ang sarap pala ng feeling.

Si Kuya naman talaga ang mahilig kumanta. Alalay nya ko noon. :) Maganda boses ng kuya ko. Nag gig sya noon sa Makati. Sinama nya ko. Pinakanta nya ko kahit isang kanta. Pak! Okay na ko doon. hehehhehee..

Year 2000.. wala kaming magawa ni Kuya. Napag trippan namin mag audition sa Padi's Point sa may Sta. Lucia. Literal na trip lang ito mga dabarkads. Dahil nga mahilig kaming kumanta, hinatak namin yung gitarista namin at nag ensayo ng ilang kanta at sumugod sa audition. Hindi namin inakala na papasa kami. Wow! Regular gig ito. Masarap pa kasi every Saturday ang pwesto namin. Weekend kaya lagi maraming tao. May mga sidelines pa kami nyan. In fairness, one year din ang itinagal namin sa bar na yun. Bigla kasing sumikat ang mga banda.

Nagpatuloy pa din ako sa pag gig ng ilan pang buwan. Humina din ang kita. Kaya naisipan ko mag call center. Pero hanggang ngayon, ito pa din ang passion ko. Wala man akong formal training sa pagkanta, alam kong nasa tono ako. :) At lagi namin sinasabi ni Kuya.. mas masarap kumanta kapag maraming tao ang nanonood! :)

Ang sarap kasama ni kuya kapag may kantahan. Ito ang paborito kong video namin..


Sana nag enjoy kayo sa passion ko.. This is really something I love to do... Eto naman ang sample ko...


Happy singing!

     ♥♥♥




1 comment:

  1. Love sweet love, everybody's looking for
    Love real love, everybody's longing for
    Love can break our hearts
    Now i know that it's time to start
    And take a chance with you...

    ReplyDelete