Wednesday, August 17, 2011

Day 21 - A picture of you and your best friend(s)

♪♫ Knowin' you can always count on me 
for sure
that's what friends are for
In good times
And bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for ♪♫


             ♥♥♥



I consider these two people as my "bestest friends".. In short, sila ang BFF's ko...


Favorite shot ko ito sa kanila.. Karen and Quennie...

Paano nga ba nag start ang friendship namin? Actually, sila naman talaga ang original na magka close. Tatlo sila kasama si Sheena. Pero dahil sa call center nga kami nagttrabaho, laging may pagbabago. Ano bang bago doon? Hayyyy... Sa sobrang daming pagbabago, dumating sa puntong naging ahente ko ang dalawang ito... Mahirap sa simula kasi mga Subject Matter Experts sila noon. Alam mo yung feeling na baka isipin nila na wala akong alam dahil mas hands on sila. Pero tuloy ang buhay.



Si Karen...

Rhen sa karamihan. Siya ang una kong naging ka close kasi na assign sya sa team ko magturo ng computation. Oo, math in short. At long last, nakahanap ako ng drinking buddy kasi halos lahat ng agents ko pamilyado. Food trip ang trip sa buhay. Lagi kami magkasama ni Karen kapag walang magawa. Palatawa at palabiro. Mabait pero hindi patient. Mainitin ang ulo nya dati. As in! Masarap kasama. May sense kausap.

Si Quennie...

Noong una, aloof ako. Kikay kasi. :) Fashionista. Sabi ko pa sa sarili ko na baka hindi ko makasundo kasi hindi naman ako maporma. Hindi ko pa gamay ang ugali dahil sya yung huling napabilang sa team ko. Taken pa sya noong mga panahong yun kaya mahirap ayain sa labas. Hindi umiinom at hindi din nagyoyosi. In short, clean living... Susme! Hindi ko ito mayayaya mag yosi man lang.


First friendship bond...
Lumipas ang panahon at unti unti kaming naging close. Hindi ko na maalala kung paano. Hindi ko namalayan, lagi na pala kami magkakasama. Napaka thoughtful ninyo. Kung alam nyo lang kung gaano nyo ko napapangiti tuwing nagiiwan kayo ng "something" sa desk ko o kaya naman pasalubong kahit sa Ministop lang. :) Gusto kong malaman niyo na it really means a lot to me..

Ang alam ko, hindi sa tagal nababase ang pagiging mag best friends. Makikita mo naman sa isang tao kung jive kayo o hindi. Alam kong napakabilis ng mga pangyayari.. Kung susumahin, parang isang taon pa lang kami magkakasamang tatlo. Oo, hindi pa ganoon katagal. Pero ramdam ko na sila ang maituturing kong best friends. Tinginan pa lang, alam na namin ang tinutukoy ng isa't isa. Alam namin kung may dinaramdam ang isa o wala. Simpleng text lang, dama mo na ang pagka miss lalo na ngayon na magkakaiba na kami ng schedule.

May mga bagong kaibigan na makakasama at makikilala pa, pero sigurado ako na kakaiba ang friendship naming tatlo. Maswerte ako at nagpapasalamat kay Lord kasi binigyan Nya ako ng ganitong klaseng mga kaibigan para sumuporta at gumabay sa akin. Hirap kasi ako noon magtiwala sa tao lalo na sa mga nagiging kaibigan ko. Pero nabago nila ang pananaw ko sa pagkakaibigan...

Nakatatak na kayo sa puso ko. Literal na nakatatak na din ang bawat isa sa atin.. Paalala ko lang, walang burahan ng tattoo. :)



Karen, hindi ko makakalimutan ang pagsalubong sa birthday mo.. lalo na ang paghintay ng 11:59pm sa pagtext sa'yo ng ex mo... Pati na din ang pagpunta natin sa Blue Knights.. Singer na singer ang feeling ko noong panahon na yun.

Quennie, hindi ko makakalimutan ang surprise party namin na hinanda ni Karen. Nasubaybayan na din namin ang teleserye ng lovelife mo. Kahit hindi mo aminin, kami ang naging sandigan mo noong panahon na yun.. Alam ko naman na naging parte na kami ng journey mong iyon...

Sa inyong dalawa, gusto kong malaman niyo na genuine happiness ang nadarama ko tuwing kasama ko kayo. Huwag kayong magalala, I'm giving my genuine love for you. Marami pa tayong pagdadaanan. Walang perfect. Pero pagtibayin pa natin lalo kung anong meron tayo.

Mahal ko kayo... Marami pang road trip, food trip, movie trip, at kung ano ano pa.. Ano man ang mangyari, nandito ako para sa inyo dahil alam ko na nandiyan lang kayo dumating man ang panahon na kailanganin ko...


One of the rare photos that we have na tatlo tayong nasa picture

Cheers to BEST friendship!






5 comments:

  1. Ano kaya ang comment nyang dalawang yan? Umiyak din kaya? Natawa? Hmmmm. Abangan!! Hehe.

    ReplyDelete
  2. waaaaaah!!!! one of your bests!! :'(

    ReplyDelete
  3. nakakainis ka!!!! eto yung pangatlong post mo na naiyak ako.. :( thank you butterman and reyna.. :) mahal na mahal ko kayong dalawa..:)

    ReplyDelete
  4. Doc aga, napaiyak ko naman sila.. Hehehehehe..

    ReplyDelete
  5. gusto ko lang sabihin na ang gaganda natin sa last pic. bonggaysious!! nyahahaha! :D

    ReplyDelete