Miss na kita...
Hindi ko na maalala kung ilang taon ka na jan. 6? 7? Basta alam ko matagal na.. Buti na lang nakakauwi ka pag may konting ipon.. Kung mayaman lang ako...
Miss na kita...
Wala na akong kaaway. Noong mga bata pa lang tayo, ikaw ang mortal enemy ko. Habang tumatanda tayo, ikaw pa ang naghahatid sa akin sa school.. Naaalala mo ba na lagi tayo dumadaan ng Mcdo sa Greenhills dahil masyado tayong maaga? Kasabayan pa natin ang mga elders na laging nag jojogging sa may Unimart. Salamat sa pagtiyaga mo sa akin hanggang magtapos ako ng high school.
Miss na kita...
Lagi mo akong kasama noon. Lalo na kapag may gimik ka. Ikaw ang nagturo sa akin uminom ng alak. Parang second year high school ata ako noon. Miller pa ang uso noon. Naging tambay tayo ng Makati at Greenhills. Naaalala ko pa na tinakas ko yung pager mo noon. Oo, pager pa ang uso noon. Hahahahaha... Pati sa lahat na ata ng gimikan, naisama mo na ako... Limits at Mars pa ang uso noon.
Miss na kita...
Ikaw lang ang taong nagbibigay sa akin ng bulaklak tuwing Valentines. Kahit binibili mo lang sa kalye masaya na ako. Ilang taon mo din ako pinag aksayahan ng pera para bumili ng bulaklak. Naalala ko na sabi ko noon.. Kapag dumating ang panahon na may magmamahal sa akin, gusto ko yung tulad mo. Na witness ko kasi kung paano ka magmahal.
Dumating yung panahon na nag away tayo. Isang taon din ang itinagal noon. Naaalala ko Pasko noong nagkaayos tayo. Nagkita lang tayo sa bahay ni Ninong at biglang nagyakapan. Ayos na! Hindi naman kasi maiiwasan sa magkakapatid ang hindi pagkakaunawaan. Pero after noon, okay na.
Miss na kita...
Simula ng pumunta ka ng Amerika, noong una, parang wala lang. Pero habang tumatagal, namimiss kita. Siguro nga dahil matured na tayo lahat. Iba na ang mga layunin natin sa buhay. Unti-unti tayong natuto. Nakita ko na sobrang laki ng pinagbago mo jan. Lalo na noong dumating si Vinnie. Nakita ko lalo kung gaano ka karesponsible. Kahanga-hanga...
Miss na kita...
Lalo na pagdating sa kantahan. Nabanggit ko nga sa isang article na isa ka sa naging impluwensya ko para maging hilig ang pagkanta. Iba yung gamay mo na. Iba yung tamang timpla. Galing.. Jive! :) Miss ko na din yung mga panahon na may gig tayo..
Hindi ko alam kung bakit ako naluluha habang ginagawa itong article na ito. Lagi ka din nandjan para magbigay ng mga payo. Hindi lang sa pag-ibig, pati na din sa buhay. Ika mo nga.. "Kung hindi ka na masaya, tama na.."
Nakakalungkot lang isipin na malayo ka. Salamat sa technology. Huwag mo kami masyadong isipin dito. Kami magkakasama, ikaw mag isa.. Hayaan mo, hindi naman ako nawawalan ng pag asa na darating ang panahon na magkakasama pa din tayo lahat.
Mag-ingat ka lagi jan and always remember na mahal kita!

Hanggang sa muli mong pag-uwi...
Love you Kuya!
P.S.
Bunso, ikaw na ang next feature ko.. :)
Ayokong naririnig itong kantang ito.. Lagi kitang naaalala...
"Dear kuya, kumusta ka na dyan?
Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit
pero kung bumagyo, para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito
Matagal na rin, mula nang ika’y magpasyang subukan
ang swerte, at abutin ang yong mga pangarap
Sa ibang bansa kung saan ikaw ay lagging mag-isa
kami tuloy dito, nag-aalala
Nasan ka man ngayon, ano mang oras na
ika’y may kailangan, tawag ka lang sa amin
at parang nandito ka na rin
Oo nga pala, kung nasayo pa ang checkered na
polo ko, sa yo na yan. Hanap kana rin
ng maraming mapapaglibangan dahil balita ko
mahal daw ang sine dyan
Dambuha daw mga pinapakain dyan
tataba ka malamang. Miss mo bang magtagalog?
Kuya pag may kumausap sayo
galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya"
♥♥♥
Waaaahhhhh!!! Wala kang alam kundi paiyakin ako!! Shet!!
ReplyDeleteAng bilis ah! nabasa mo na pala!
ReplyDeleteoo kapatid. nabasa ko na. salamat.
ReplyDelete