
Buong pamilya ko naman ang inspirasyon ko.. Pero this time, feature ko muna si dad.. Bakit nga ba sya ang inspirasyon ko? Siguro nga kasi nag iisa akong babae sa aming magkakapatid.. Lagi naman ata ganun di ba? Karamihan sa mga anak na lalake, sa nanay close.
Ang cool kasi ni dad e. Lumaki akong normal ang buhay. Swerte nga kung iisipin. Hindi ko napag daanan ang paghihigpit ng magulang hindi tulad ng iba kong kaibigan. Hindi ko naranasan ang curfew basta magpaalam. Kainuman ko pa tsaka tagabili ng yosi kung minsan.
Proud ako na sya ang tatay ko. May sariling diskarte sa buhay. Hindi kami mayaman, pero sinisigurado nyang kakain kami ng tatlong beses sa isang araw... plus meryenda pa yun ha! :) Mekaniko ang tatay ko. Magaling sa kotse at motor. Motocross rider sya noong kabataan nya. Kapag may nararamdaman sya, hindi nya iniinda.
Kapag meron akong kaibigan na namamatayan ng magulang, naiiyak ako.. Dahil alam kong kahit matanda na ako, hindi ko kakayanin mawala sila. Ayoko... Hindi ako handa. Sana nga mayaman ako para maibigay ko lahat ng gusto nya. Alam kong marami pa syang gusto at pangarap. Sana maibigay ko lahat. Kaya ko sya inspirasyon.. napalaki nya kami ng maayos. May mood swings man sya, normal lang yun.
Ikaw ang inspirasyon kong magpursige sa buhay. Sa'yo ko natutunan yung "Bahala na si Batman!". Natuto akong maging independent pero at the end of the day, sayo pa din ako lalapit. Tuwing papasok ako ng opisina, kumpleto na ang araw ko pag alam kong good mood ka at nakangiti sa akin.
Hindi ako perpektong anak. Napakaraming sakit ng ulo na ang naibigay ko sa kanya pero nanjan pa din siya para sa akin. Unconditional love kumbaga. Oo dad, ikaw inspirasyon ko. Nandito ako palagi para sayo... para sa pamilya ko.. Mawala na lahat.. wag lang kayo...
"You're the meaning in my life
You're the inspiration
You bring feeling to my life
You're the inspiration
Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin'
No one needs you more than I need you"
Love you dad!
♥♥♥
Tigilan na yang blog na yan! Nagpapaiyak lang! Shet!
ReplyDeletehahahahah!! ayos lang yan.. kaya ako nag blog para masarap basahin ulit at balik balikan.. :)
ReplyDeleteyh!!! nakakaiyak naman tong post na to.. 1st time ko lang magcomment sa blog mo tapos dito pa..hehehehe love ka rin naman ni dad kahit na minsan eh nagiging alter ego nya si thor..Ü
ReplyDeleteoo nga chloe.. binasa ko ulit tong post ko.. naiyak na naman ako.. :) salamat sa pagsubaybay.. :)
ReplyDeletesino si thor? yung superhero? hahaha..
ReplyDeleteyung sa pelikula. hahahhahaha..
ReplyDeleteiba talaga si Thor.. :)
ReplyDeletetama si doc, itigil na ito at walang ginawa kundi magpaiyak! haha!