Tuesday, September 20, 2011

Day 31 - A picture of your favorite night

Sessions @ the Loft.. Duncan Ramos
September 17, 2011...

We already planned to watch this show simula nakita ko ito sa FB ng friend ko.. Sinabi ko na talaga na sana makanood kami.. Minsan lang kasi mangyari na magustuhan ko yung artist na dumadayo dito sa Antipolo. Same place kung saan nagkaroon ng benefit show si Aiza. (Na feature ko na po yun noong July) :)

Dumating na ang araw.. Buti na lang pinayagan akong mag leave ng boss ko.. Sabi ko na agahan namin para doon kami makapwesto sa harap kung saan namin inupuan noong si Aiza ang guest. 8pm pa lang, umalis na kami ng bahay. (napakalapit lang namin sa venue.. excited lang po. hehehehe..) Bago kami umakyat doon, kumain muna kami para tipid na. :)

Around 845pm, umakyat na kami.. Entrance fee is Php 350 inclusive of 1 Coors light. Sabi ko.. "pwede na to.. yung kay Aiza dati walang free beer.. :)" Jackpot! Sa harap kami ulit nakapwesto.. :) Sakto dumating na din si Quenn.

Habang naghihintay, tumugtog muna ng ilang kanta ang Twisted Pair. I'll feature them next time. Pinilit kong sumunod yung pinsan ko at kaibigan nya para mas masaya. :) Hindi naman ako nabigo at sila'y sumunod. Sakto lang pasimula na ang inaabangan kong show. Noong una, nag aalinlangan pa ko kasi baka parang tulad lang ng kay Aiza na apat na kanta lang. Pero naisip ko na hindi naman ito benefit show. Hoping na sana isang buong set man lang. Hindi nga kami nabigo.. One full set itey!! :) Wooohoooo!!!

Ipinakilala na si Duncan! Grabe!!! Bigla akong na starstruck.. Ewan ko ba kung bakit. Alam ko kasing magaling syang kumanta. Unang kanta nya.. "So sick" by Neyo. Syempre, dahil kasama ko si Bulilit, video agad.. Ohmyagas! Ang galing talaga ng boses!! Napatunganga na ako.. Sinundan pa ng "Seven Days" by Craig David. Wala na.. wagas na wagas na ang paghanga ko..

Ang ingay ng grupo namin. Hahhahahah! Rinig na rinig nya ang pagsunod namin sa mga kinakanta nya. Nang awitin nya ang "Paano" (revived by Freestyle), hindi na ako mapakali... Paborito ko kasi yun. Naalala ko pa bigla ang kuya ko. Nakalimutan na ni Duncan yung lyrics.. Siguro dahil naingayan na sya sa akin, bigla nya akong tinawag sa stage.. Hahhahahah! E syempre pagkakataon ko na ito! Wala ng atrasan mga dabarkads! Sinunggaban ko na agad ang once in a lifetime chance na ito. :) Pero iniwan nya ko sa stage.. Ang cute ng video.. hehehhehe.. Take a glimpse! :)


Mga dalawang stanza lang ang kinanta ko bumalik na sya.. bigla  ko tuloy nasabi na "akala ko magdduet tayo.. kasi pangarap ko..." Hindi naman nya ako binigo at sinabi na ang susunod daw ay duet namin.. :) Nataranta na ako.. nakipagkamay kasi feeling ko nananaginip lang ako.. Hayyyyy... Totoo pala.. Inawit na nga namin ang "The Closer I Get To You". Oo, aaminin ko, kabado talaga ako dahil first time e. Sobrang bihirang mangyari sa isang normal na taong tulad ko.. :) At least, nagkaroon din ako ng chance na mahalikan sya. Hehehehhe.. Here's my remembrance..


Nagpatuloy pa ang set.. nakatunganga na lang ako. Mga 12 songs din siguro ang kinanta nya. One hell of a night! Sulit!

The memories...





Happy Jamming!

     ♥♥♥

1 comment: