- Malamig! - Self explanatory. :) Sarap matulog lalo na kung may kayakap..
- 13th month pay - Meron tayong gagamitin pangbili ng regalo sa mga mahal natin sa buhay. :)
- Christmas Party - Na kulang na lang, bawat kanto, meron nito at hahatakin kang dumalo. :)
- Exchange gifts - Syempre, pag may christmas party, may exchange gifts! :)
- Pero syempre, birthday ito ni Jess - Hindi man ako sobrang religious, I always take time to reflect during these times and thank Him for everything.
![]() |
Christmas na naman.. Parang kailan lang... |
Halos lahat naman ng Pasko, masaya in my own little way. Hindi lang siguro ako nasanay na nagcecelebrate nito. Dito kasi sa bahay namin, laging New Year ang bongga. Pero hindi naman ibig sabihin e hindi masaya ang Pasko namin. Medyo sentimental lang dahil sa mga malulungkot na Christmas carols. Naisip ko minsan, kapag yumaman ako, engrande ang Noche Buena!
Pero iba pa din ang pasko sa Pinas! Napakasayang tingnan ng bawat tao na nagbibigayan ng regalo. Bawat tahanan laging bukas at maraming pagkain ang nakahanda. Ako nga, lagi pa ako bumibisita sa bahay ng Ninong at Ninang ko para humingi ng aguinaldo. Hehehehhe.. That's the essence of Christmas. Walang tatalo sa ating mga Pinoy. Kaya naiimagine ko kung gaano ka homesick yung mga kababayan natin sa ibang bansa tuwing Pasko.. Kaya Kuya!!! Mag Christmas ka naman dito!!! ahhahahahaha!
Anyway, I am excited to post this blog kasi the music that goes with it just reminds me na malapit na ang Pasko!!! :) First blog in September! Wohoo!!
Excited na din ako gumawa ng wishlist ko for Christmas. Siguro mas masarap mamili ng regalo ng mas maaga. Oh well, kahit anong plano e hindi naman natutuloy. Hehehehehe.. :) Basta kahit anong mangyari, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!! :)
Enjoy listening!
♪♫ Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama’t
Ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana’y
Nagniningning
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko’y nadarama ko na
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati’y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta’t tayo’y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas
Ang pasko sa Pinas ♪♫
♥♥♥
No comments:
Post a Comment