Wednesday, November 30, 2011

...Cry...

Kanina, bigla na lang ako naiyak... Hindi ko alam kung bakit.. Humhikbi ako.. Parang ang daming realizations.. Ang dami ko palang hindi pa naiiyak.. Yung tipong biglang sumabog na lang yung dibdib ko at ako'y humagulgol..


Hindi naman nawawalan ng problema ang isang tao.. Nagkataon lang kasi siguro na ako yung tipo ng tao na idadaan na lang lahat sa tawa at ngiti.. Nagpapaka strong kumbaga. Napaka patient ko kasi.. Napakahaba ng pisi.. Hangga't kayang palagpasin, sige lang..

Dumadating din pala sa point na sasabog ka.. Mas mahirap pala..


Wala lang.. gusto ko lang i share na hindi masamang umiyak.. Mas maganda nga lang kung may karamay ka kasabay ng paghaplos ng likod para tumahan...

Alam kong marami pang tutulong luha sa mga mata ko.. Pero hahayaan ko lang itong dumaloy sa pisngi ko.. At ito ang magsasabing normal pala ako.. Nasasaktan din..

Pero mas masarap maging masaya.. Yung wagas na ngiti.. Minsan walang naniniwala.. Pero ganun talaga.. Hindi naman sila ang nakakaramdam nun. Masaya ako ngayon. Pero hindi ibig sabihin na wala ng luha.. Malungkot man o masaya.. normal umiyak..

     ♥♥♥

No comments:

Post a Comment