Thursday, November 17, 2011

...A poem for my brother and sister...

Mga 6:30am.. Kakauwi ko lang ng bahay galing opisina.. Routine ko naman na bago magbihis, bubuksan ko muna ang laptop ko.. Para after mag freshen up, gora na sa facebook.. At eto ang bumulaga sa profile ko... At dahil jan.. Napag isipan kong ilagay sa blog ko ang poem ni kuya para mas maging memorable sa akin..



A poem for my brother and sister... (revised)


nung mga bata pa tayo
Para tayong aso't pusa
Laging na lang nag aaway
At ako ang laging bida


Pag may inutos si tatay at nanay
sayo ko pinapagawa
Kasi ako ang matanda
At wala kang magagawa


Madaming relasyon ang dumaan
Mga kaibigan na dumating at lumisan
Ikaw pa rin ang nandyan
Laging handang matakbuhan. 


Nagpunta sa amerika si kuya
Nahiwalay sa pamilya
Malalaman mo lang talaga ang importansya
Pag matagal mo ng hindi nakakasama


Sana hindi na ako umalis
Para lagi kayong kasama
Dahil hindi na maibabalik
Ang panahon na ako'y nawala


Pasensya ka na
Hindi ko naipakita
Kung gano kita ka mahal
Nung ako ay nandyan pa


Hindi ka pwedeng palitan
Kahit sino pa man
Iisa ang pinanggalingan
Hindi mababago nino man. 


Wag mong kakalimutan
Na ako'y lapitan
Pag nagkaproblema
Nandito lang si kuya...



Miss na miss ko na kayo mga kapatid ko. :( — with Kay Esteban and Veejay Esteban.

Gawa ni kuya... Napansin ko na lang na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.. Oo nga.. nakakamiss kaming tatlo..

Nakakamiss magkaroon ng kuya.. Ang layo mo na kasi.. Mas masarap ang damayan kung magkakasama tayo... Siguro yung mga kwento ko sayo sa telepono at chat, mas mabibigyang kulay... Yung tipong makikita ko yung mga reaksyon sa mukha mo.. :) Mas makatotohanan.. :)

Dadating tayo jan.. magkakasama sama rin tayo.. tiis tiis lang... Thanks kuya sa poem.. Nakakatouch talaga.. Ang aga aga pinaiyak mo ko!! :)

     ♥♥♥

2 comments: