Masaya.. Nakatulala.. Nakangiti.. Steady lang...
Ang alam ko lang, masaya ako.. Pero madami naman ang aspeto ng pagkasaya ng isang tao.. Hindi ko naman sinasabi na perpekto akong tao at walang bahid ng kalungkutan.. pero masasabi ko sa sarili ko na masaya ako.. Madamot ba yun? Minsan kasi may feeling ako na kapag masaya ako, madamot ako dahil ako lang ang masaya.. Pero minsan naman, natatakot akong maging masaya ng sobra dahil alam kong may kapalit itong kalungkutan..
Hang ups... Kapag meron nito... malamang walang closure..

Ang hirap kaya kapag meron ka pang hang ups sa kung sino o ano man.. Hindi ka kasi mapapakali.. Parang laging may unfinished business.. Hindi naman lahat ng tao kayang tapusin ang nasimulan na..
Bigla akong napaisip.. Parang ang panget ng dating ng mga phrases or words na may "hang" sa umpisa... Hang ups, Hangover, Hangman, o kahit Hanger! :) Parang napaka nega ng ibig sabihin.. Laging bitin ang dating sa akin... Parang laging may sabit!
Bakit nga ba may mga hang ups pa ang isang tao? Siguro.. hindi maganda ang ending.. kumbaga sa pelikula, bitin.. O kaya naman, maraming bagay ang hindi napag tuunan ng pansin...
Wala lang.. naishare ko lang.. :)
♥♥♥
No comments:
Post a Comment