Project Sunshine! :)
Sabi nga nila, friends are hard to find.. Oo nga mahirap.. pero nakita ko sila.. Meet project sunshine!

Ilan pa lang ito sa mga pictures namin.. napakarami nang litratong nakunan at hindi ko na maalala kung ilang araw na ang sumikat mula magsimula ang grupong ito. Kung tutuusin, halos dalawang buwan ko pa lang sila nakakasama pero matindi na ang bonding namin..
Members:
![]() |
Karen, Khaye, Claire, Nesty, Kay, Macoy. Wala sa picture si Marco. :) Peace! |
Makoy and Marco - The thorns among the roses..
Mary Kayleen Denise, Claire, Nesty - The Bitches!
Kay and Karen - The TL's..
Mary Kayleen Denise, Claire, Nesty - The Bitches!
Kay and Karen - The TL's..
Thanks to the following: (In short, eto yung mga lugar kung saan kami inuumaga..)
7-11 Silver City - Ito na ang naging tambayan after shift. Lalo na kapag CWD na o Critical Wallet Day sa mga taga call center. Syempre, mas mura naman ang beer dito. Dito napapadpad yung sinasabi naming.. "Tara na... 2 bottles lang!.." Na kalimitang nauuwi sa 3 o apat na bote depende sa trip. :)
T2 Mars (also known as Mucho's)- Dito naman kami kapag trip mag videoke. Syempre may slight budget dapat. :) Buti na lang, may libreng bucket kami isang beses. :)
Eat My English (EME) - Pag trip ng house music.. :)
Yoohoo Metrowalk - Minsan na kami naabutan ng bukang liwayway dito. At talaga namang nagenjoy kami ng lubusan.
Jay-jay's Home Depot - Naka 2 beses na din kaming nag project sunshine dito. Mahal! Susmaryosep! :) Minsan wala kasing choice lalo na kung umuulan at dahil panggabi ang shift namin, eto lang ang lugar na kadalasang bukas pa para uminom.
Loreland Antipolo - Oo, nakarating na din kami dito. Slight team building ang dating pero dahil kami kami lang din ang nandoon, project sunshine ang dating ng outing na ito..
R&J's Bulalohan Mandaluyong - OMG! Eto na ang araw na ang dami naming nainom by far! Di ko alam kung bakit di kami tinamaan. Siguro sa sobra na ring sarap ng bulalo dito. Naengganyo ko ang grupo na mag food trip.. Syempre, ang ending, inuman at videoke. So far, eto ang pinaka late kong uwi! 1pm na ata from the previous shift!
Tagaytay - eto na ang pinakamalupit na project sunshine na naranasan ko. Akalain mong mag trip ng 530am at biglang nag road trip kami papuntang tagaytay.. at take note! para kumain! hahahahahha! i'll never forget this trip! Partida, may shift pa after.. Tsk!
Saan kaya ang susunod? Can't wait this coming weekend... Tayabas and Lucban... Here we come!!! Cheers to friendship!
Lumalaki na ang grupo.. Ilan pa kaya ang madadagdag? :) I'll be looking forward for more bonding moments.. Sana kayo din... Hindi ko makakalimutan na minsan... may project sunshine na nagpasaya sa buhay ko... :)
♪♫ I'll be there for you, when the rain starts to pour.
I'll be there for you, like I've been there before.
I'll be there for you, cause you're there for me too.. ♪♫
Happy Sunshine!!!
♥♥♥
project sunshine! <3
ReplyDelete1 bottle pLeasse!!! :P