Wednesday, October 19, 2011

Day 35 - A picture of you and your friends out somewhere

Border ng Lucban at Tayabas...

When: October 15-16, 2011
Where: Lucban and Tayabas, Quezon
Who: Marco, Kay, Khaye, Claire, Makoy, Karen (My Project Sunshine!)

Napag planuhan magpunta ng Quezon. Saktong birthday ng Lola ni Karen at may hearing dapat si Makoy.

October 15, 2011 around 5AM..

Sinimulan na naming bumyahe at umalis ng Transcom. Convoy. 2 kotse.. Woohooo!! Start na ng road trip namin. First stop over sa Antipolo. Nagpa gas at nagpahangin ng gulong.. Syempre, nag toilet at bumili ng chichirya. :) Okay.. and the road trip begins sa mahabang zigzag mula Antipolo hanggang Pagsanjan. Second stop over sa Pagsanjan Church.. Dasal muna.. Simula na naman ng madugong zigzag mula Pagsanjan hanggang Luisiana. Kahilo aba! :)

7:30AM.. Nakarating na din kami sa wakas sa bahay nila Makoy.. Yikes.. eto na ang pagod na dumadaloy sa katawan ko.. pagod at stress mula sa isang napakahabang shift at byahe.. Pero maraming salamat sa breakfast na inihain ng mommy ni Makoy.. Naisipan muna naming dumaan saglit sa Tayabas para makita ang magulang ni Karen. Woot woot! Ako naman ang pasahero! :) Sandali lang kami at bumalik na ng Lucban. Bago matulog, naligo muna kami para masarap ang tulog..

4PM.. Nagising na kami para hindi naman masayang ang araw.. Plano na pumunta sa Palaisdaan para kumain. Biglang umulan ng bongga! Pero hindi ito humadlang sa plano namin. Tumuloy na kami. Boom! Eto na ang sarap.. Grabeng busog aba! :) Sulit!!!

6PM.. Balik sa bahay ng mga Quevada.. Syempre hindi mawawala ang pag inom ng project sunshine ko. At dahil nasa Quezon, Lambanog ang tinira namin. Wagas na wagas ang tama nito. Yung tipong 12 midnight pa lang e antok na antok na ko... Kanya kanyang pwesto na sa sala. :)

October 16, 2011 around 4AM..

Kanya kanyang gising na dahil uuwi na ang 3 naming kasama.. Ang hirap gumising.. Pero in fairness, wala talagang hangover ang lambanog. :)

6AM.. Back to Tayabas para mag breakfast kila Karen. Sarap!!! Samahan mo pa ng napakasarap na leche flan!! :)

7AM.. Nauna na sila... And I had a great time during Lola Tinay's birthday! :) And the rest is history.. :)

Saan kaya ang susunod na roadtrip? :) Laguna!!!!!






No comments:

Post a Comment