Tuesday, October 18, 2011

...Pangarap...

Madami akong pangarap... Masarap mangarap... Pero hanggang pangarap na lang ba? Ang hirap...

Susubukan kong isa isahin ang pangarap ko.. Libre naman di ba? Walang basagan ng trip..

Pangarap kong....

Magkaroon ng sariling bahay - ayoko naman na habambuhay akong naka depend sa magulang ko. Malay mo.. Inuna ko lang si Bogart.. Pagkatapos nya.. isusunod na kita! :) Sana bago ako mag 40 keri ko na yun. :)

Mag travel - Hindi naman ako ganun ka adventurous pero ang sarap ng feeling makapunta sa iba't ibang parte ng mundo. Hindi lang sa Pilipinas pero maging sa ibang bansa.

Magkaroon ng sariling business - Dahil inuuna ko nga si Bogart, medyo na delay... Isa isa lang kumbaga.. Mahina ang kalaban. Kung pwede nga lang na magkaroon ng sariling kabuhayan sa halagang piso..

Pero hindi naman lahat materyal.. May mga simpleng pangarap ako na..

Mahiga buong araw habang naka aircon at manood lang ng DVD..
Mag joy ride hanggang maubusan ng gas kasama ang mga mahal ko sa buhay..
Manood ng sine mula first showing hanggang last full show..
Magcelebrate ng birthday sa Mcdo o Jollibee..
Mamuhay princesa..
Makasama pamilya ko sumakay ng eroplano at mag out of town or out of the country..
Maging pasahero sa kotse forever! Hahahhaha!
Mahalin ng taong mahal ko..

Hindi masamang mangarap.. Saan mang aspeto ng buhay.. Libre naman.. Sulitin na natin.. :)

♪♫ Pangarap kong makarating sa buwan
At lumipad hanggang doon sa kalawakan
Nais kong humabol sa pag-ikot ng mundo
Sumabay sa awit ko


Sasakay ako sa aking pangarap
Basta't ang kasama ko'y ikaw
May liwanag
Sasakay ako sa aking pangarap
Hangga't ang laman ng puso ko'y ikaw
May liwanag... 


May isang nananalangin sa tuwing gabi
Hinahangad asahang ng ako ay mapansin
Humahabol lang sa pag ikot ng mundo
Sumabay sa awit ko ♪♫

Happy dreaming! :)

     ♥♥♥



No comments:

Post a Comment