I consider myself lucky to have my parents and siblings. Cool sila lahat. Naaalala ko noong high school ako.. lahat ng friends ko may curfew. Ako? Wala! Basta magpaalam lang at umuwi. Daddy ko super cool. May hikaw. :) Si "Meme Melou" sobrang bait at masipag. Naiintidahan nya lagi yung mga bagay bagay. May paninindigan. Laki ng pasalamat ko kasi love na love nya si dad. Thank you sa love na binibigay mo sa amin.
Kapatid ko? Mahal ko silang dalawa. Dumating man ang puntong hindi kami nagkakaintindihan, ganoon naman ata talaga. Napagdadaanan yan ng magkakapamilya. Naalala ko noon, nag away kami ni Kuya.. mga isang taon din ata kami hindi nag usap. Tapos, tipong pasko na kami nag usap. Ganoon din kay Bunso. Hindi naman kasi sa lahat ng oras, okay tayo lahat.
Pero ngayon, habang tumatanda kami, madaming nagbago. Naging mas mature na kami. Ang sarap ng feeling kapag magkakasama kami lahat. Hindi na kami yung mga parang bata na away dito, away doon. Ganoon nga siguro talaga. Pana panahon.
Pakilala ko din ang totoo kong nanay..
Eto naman ang mommy ko. Miss ko na din sya. May mga bagay na hindi napagkakasunduan paminsan minsan. May kanya kanyang opinyon. Pero mahal ko yan. Bisitahin kita minsan. :)
Ito ang pamilya ko. Simple. Masaya. Hindi ko man lagi sinasabi pero mahal na mahal ko kayo...
Family Happiness!
Ayun naman!!
ReplyDeleteNice one
ReplyDelete