Wednesday, July 6, 2011

Best Lechon Kawali in Antipolo...

Maulan... Tamad.. Gutom..

Ok na sana ang maulan at tamarin.. pero sabayan mo ng gutom? Oh no... Waaaaa..... hindi maganda ito!

We decided to stroll around at napag-isipang kumain sa Siete-Siete Pares Express. We've been regular customers dito. Grabe! If you get a chance to drop by Antipolo proper, do not ever have second thoughts of visiting this place. Hindi ko na nga maalala kung bakit ba ako na adik sa kainang ito. Basta isang gabi, nag uwi ng pagkain si dad. Wow.. masarap.. pang breakfast... The next day, ganun ulit. Sabi ni Bunso, "Ate, tikman mo yung lechon kawali. Mura lang tapos sulit." Ah okay. I was thinking naman na baka parang ordinaryong dish lang. Pero hindi. I was hooked to it! At syempre lahat kami dahil hindi pwedeng ako lang! hahahahha!



Okay, going back. Siete-Siete Pares Express is located in Circumferential Road. Malapit lang sya sa Max's Antipolo. Here's a glimpse of their menu:




In short, it's AFFORDABLE! :) Pero for us, di lang sya affordable kasi sulit din dahil MASARAP talaga! Let's take a look at our favorite lechon kawali.


Kapag umoorder kami nito, dapat may extra egg for 8 pesos and extra fried rice for 12 pesos. At mas masarap ito kung may...


Ito na ata ang magic nitong kainan na ito! Basta huwag kalimutang pigain ang kalamansi at lagyan ng toyo! :) Sadyang mahilig lang ata kami sa maanghang kaya mas masarap! :)

Anyway, we also tried their longsilog:


Masarap din sya! Another food na babalik balikan namin dito.. Pero para sa akin, ang most recommended dito? LECHON KAWALI!! :) The best in town!

Mababaw lang naman kami.. Yung mga ganitong pagkakataon na nagbibigay ngiti sa amin. Simpleng pagkain, simpleng lugar, simpleng... TRIP! :)

2 comments:

  1. Ano ba yan!! Naglalaway ako!!

    ReplyDelete
  2. I can attest to that. Saraaaaap!!!
    Un LK-crispy, may aftertaste at yummy.
    Un chili sauce-maanghang talaga…
    Un fried rice-may toppings na crispy garlic…

    Also try sisig..

    Affordable yet solve naman…

    ReplyDelete