
Nagtataka ako na meron palang home for the aged sa subdivision na ito. Matagal na ko sa Antipolo pero noong linggo ko lang napagtanto na meron nga. Hindi ko alam kung bakit excited ako sumama. Hindi nga ako masyado nakatulog. 10am daw ang meeting time doon. Dahil malapit nga lang kami sa lugar, at dahil may tinatawag tayong Pilipino Time.. ayun, mga 10:20am na ata kami nakarating doon. At syempre.. wala pa sila.. Yosi muna.. :)
Makalipas ang limang minuto, nakita ko na parating na ang van ng opisina sakay ang iba pang mga volunteers.. Medyo kinabahan pa ko kasi nga first time ko sumama. Lahat sila magkakakilala na. Tulong-tulong kami sa pagbaba ng pagkain at mga give aways..
Sinalubong kami ng mga lolo at lola na nakangiti. Para bang tuwang tuwa na nakita kami. Sarap ng feeling.. Tinabihan ko yung isang lola. Si Lola Lina.. Sabi nga nya, sya ang joker ng grupo. Kanya kanyang upo at kwentuhan.. Nasa 21 din kasi yung bilang ng mga lolo at lola doon. So lahat kami, may kanya kanyang toka..
Nagsimula ang program sa kantahan. Nandoon ang chorale para maghandog ng ilang awitin. Unang kanta.. Tanging Yaman.. hindi ko alam kung bakit na touch ako agad.. May nakita na akong mga lola na naluluha.. Kinanta nila yung Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.. Hindi ko alam kung bakit naluha ako.. Nakikanta ako habang lumuluha.. Nakikita ko din yung iba, ganun din.. Halos lahat.. Iba talaga ang impact ng kantang yan.. Grabe...
Isang sulyap sa kanila...
Pagkatapos pa ng isang kanta, lumapit sa harapan si Lola Pina at nagpasalamat. Naghandog sya ng medley ng mga lumang awitin.. Sabi ng mga ibang matatanda.. "Naku, hindi na titigil yan!" Natawa ako! :) Nagkainan na matapos pa ng ilang awitin ng pasasalamat galing sa kanila. May isang matandang nakanakaw sa atensyon ko.. Ang tawag nila sa kanya - Lady Gaga... Ang cute nya. Naka shades at may head band pa na may feathers. Naka wheel chair na sya. Hirap magsalita. Sinubukan ko syang subuan pero pinigilan ako ng tagapag alaga nya kasi binubuga daw nya ang pagkain. Ipinaubaya ko na sa kanya ang pagpapakain kay Lola.
Ang masayahing si Lola Lina
Yosi break.
Tinawag na kami uli para magbigay ng give aways. Si Lady Gaga ang nilapitan ko para ialay ang munting regalo. Umiyak sya at sinabing iingatan daw nya yun... Nakakapanlambot ng puso...
Habang naghihintay kami pauwi, nakakwentuhan ko pa yung isang Lolo. 86 years old na sya. Iniwanan na sya ng pamilya.. Halos lahat sila ganun ang kwento.. Lahat iniwanan. Nalungkot ako sa sinabi ni Lola Lina.. "Iniwan na ko kasi wala na silang mapala sa akin.." Nakakadurog ng puso..
Oras na para umalis. Niyakap kami isa isa ng mga lola at lolo. Sabi ko sa sarili ko na kailangang madalaw ko sila ulit.. Sana hindi ako matulad sa kanila... Minsan nga iniisip ko na okay na ko umabot ng 60. Quota na! Ayokong tumanda mag isa.. Para sa akin, hindi baleng maaga mawala wag lang tumandang malungkot at mag isa..
Si Lola Remy.. Naalala ko ang lola ko sa kanya.. (may slight na hawig.. hehehehehe..) Perfect smile.. Perfect shot... Sana lahat sila, napangiti namin ng ganito.. :)
"Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko’y laging sa ‘yo
Kahit maputi na ang buhok ko"
Journey of Life..
♥♥♥
Naluha ako.. Waaahhhhh!! Shet!
ReplyDeletepuntahan natin minsan.. :)
ReplyDelete