Friday, August 26, 2011

...Breakups...

Ano ba ang nangyayari kapag naghihiwalay ang magkasintahan? Dapat bang maglugmok na lang sa isang tabi? Iba iba kasi ang tao. May madaling maka move on samantalang may ibang grabe magluksa. Sabi nga sa isang pelikulang napanood ko.. "Ano ba yan.. mas matagal pa yung iniiyak mo sa tinagal ng relasyon nyo!" (Sa Here Comes the Bride ko napanood yun. At natawa talaga ako kay John Lapus!)

Anyway, may kanya kanyang dahilan kung bakit naghihiwalay ang magsing irog. Pero para sa akin kasi, kapag hindi ka na masaya, wag mo na patagalin pa. Bakit ka pa magsstay sa isang relasyon kung ang isa ay hindi na masaya. Naniniwala ako na “Saying goodbye is hard, but staying isn’t always better.”

Pero ano nga ba ang nagaganap pagkatapos ng breakup?


Yan ang kinaiinisan ko ngayon. Ako kasi yung tipo ng tao na mabilis mag move on. Ayoko ng iiyak pa araw araw. Life is short. Oo malungkot pero there are lots of sensible things to do. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag naka move on ka na agad, hindi mo minahal ang tao. Saying goodbye is better when there is still some love and respect left in your hearts for each other. Kadalasan kasi, mas masakit pa yung mga salitang nabibitawan. Pero mas totoo kasi yun. Naniniwala ako na kapag galit ang isang tao, yun pa yung totoo.. Yung tipong sasabihin pa sa yo na "sorry, slip of the tongue.." Deym! Tanginang slip yan!

Pero the hardest part of every breakup is yung may sumbatan sa huli. But let me reiterate na malaki ang pinagkaiba ng sinumbat sa nasabi lang. Wala sanang ganoon.. I know naman na hindi lahat nauuwi sa friendship. But I know there will come a time na magkikita kita kayo. Maliit ang mundo.

Naniniwala ka ba sa stages na nagaganap after ng breakup? Sabi nila, may 5 stages daw:
  1. Denial - sa umpisa, ganun talaga. Yung mga mabilisang "break na tayo!" Pero after noon, kayo pa din. Hanggang sa paulit ulit na. Nakakasawa. Pag final na, deny pa din na wala na pala talaga.
  2. Anger - galit na. Eto yung stage na halos patayin mo na ang sarili mo kakaisip kung ano bang kasalanan mo. At kung nakakamatay lang ang pagmumura, patay na ang ex mo.
  3. Bargaining - Syempre, may stage na kung may chance pa. Gagawa talaga ng paraan para magkabalikan pa. One more chance kumbaga.
  4. Depression - Eto naman ang halos magkaroon ka na ng sakit kakainom at kakayosi. 
  5. Acceptance - Ang pagtanggap at pagbangon mula sa depression.
Whew! Pero para sa akin, may 5 stages din ng pag move on: (I got this from a movie..)
  1. Goal setting - do something not out of revenge to someone or any form of vendetta but do something for yourself. Ang goal? To move on.
  2. Start today - there’s no other day to start but today. Not tomorrow or next week.. TODAY!
  3. No shortcuts - there’s no easy way to achieve our goals. one has to work hard for it.
  4. Motivate yourself - look for someone whom you can look up to or someone who can inspire you to attain your goal. Kahit hindi someone. Make yourself busy.
  5. Be happy - be happy with what you are doing. nothing else makes hard work easy if you love doing it for yourself.
Para sa akin, walang pinagkaiba ang nangiwan sa iniwanan. Masakit pareho yun. Dahil pareho kayong nawalan. Wala namang magandang breakup. It’s called a breakup because it’s broken. Sabi nga ni Popoy sa One More Chance..

"kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas-OK na mas mamahalain tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin yung nag-iisang tao na mag tatama ng mali sa buhay natin yung lahat ng mali sa buhay mo."

Sabi nga ng Kuya ko.. "pag hindi ka na masaya, tama na.." Wag na ipilit pa. Lagi naman nagsisimula sa mababaw na dahilan. Pero yung mga dahilan na yan, yun yung mga bagay na naipon na hanggang sumabog na ang isa. Samahan mo pa ng mga taong nanggagatong ng kung ano ano.

Oo masakit.. Pero hindi dapat tumigil ang mundo doon. Life is short. Learn to move on and be happy...

     ♥♥♥




4 comments:

  1. ganda naman nyan butterman!. pasok pa yung scoring.. hehe.. teka, nasan ba yung one more chance. mapanood nga ulit. haha..

    PAG DI NA MASAYA, TAMA NA!

    at sabi naman ng tatay ko...

    KUNG AYAW MO, WAG MO!!

    hahaha..

    ReplyDelete
  2. At sabi ni Inang..

    "Kung 'di mo kaya, kumalas ka."

    hekhekhek.

    ReplyDelete
  3. love it!! :)) eto naman ang natutunan ko.. a break up should not be the end but a start of something better. the relationship ended 'coz that person is not right for you. and who knows?? baka may darating nga na bago, na magtatama ng lahat ng mali...
    shet, naalala ko si popoy. :(

    ReplyDelete
  4. i agree dun sa statement na "walang pinagkaiba and nangiwan sa iniwanan" kasi hindi porket ikaw ang iniwan eh ikaw lang ang nahirapan at nasaktan.. pareho lang kayo ng naramdaman at pinagdaanan..

    pain is inevitable but suffering is optional.. kahit masakit kelangan natin mag-let go, mag-move on sa next chapter ng buhay natin.. it is never easy but you will get there.. yan ang natutunan ko.. :)

    ReplyDelete