
Sobrang ironic lang.. nakagawa ako ng blog tungkol sa break-ups.. Pero hindi ko maapply sa sarili ko.. Ang galing magpayo at mag analyze, pero kapag sa sarili mo na.. mahirap pala.. walang kwenta!
A few days back, my partner and I just broke up.. sakit.. sobra.. as in to the point na sinabi ko sa sarili ko na hindi ako ito. Biglang nagbago ang ikot ng mundo.. Malalim pala.. Sa sandaling panahon, ganoon na lang pala kalalim ang na invest kong feelings. Pinanindigan ko lang kasi siguro yung sinabi ko bago ko pasukin ang relasyong ito na "this is it!"...
Empty. Restless. Miserable. - mga adjectives na pwedeng i describe sa akin.. Nagkulong ng halos 5 days sa kwarto. Walang kainan. Tipong tubig at yosi lang.. Puro iyak at pag iisip lang ang ginawa ko.. Yung tipong pipikit pa lang ako, tumutulo na ang luha ko.. Nag-iisip na "ano ba talaga ang nangyari?", "tapos na ba talaga?", "ganun na lang yun?", "ganun na lang kadali sayo?"
Tangina naman o! (Sorry a! Pero kailangan ko lang sabihin to.. Shet! walang alak!! Bunso!!!!!!!!) Reading your email made me angry once again.
1. "Nasasakal ako" - ang harsh.. na alam kong wala naman akong ginagawa dahil hindi ko ugali ang manakal ng jowa... o kahit sino man. Sakal na yun? Hindi big deal ang paglabas labas.. at ang biglaang paalam.. okay lang naman sa akin yun.. But all I was asking was JUST for ONE damn day in a week! Partida pa dahil hindi kami pareho ng rest day. Tapos ang dahilan nya sa akin.. "Bakit? Nandito naman ako kapag weekends! Hindi naman ako umaalis!" Wow.. Ang tanong.. nandito ba ako pag weekends? Wala.. kasi may pasok ako.. So my point is I was just trying to meet half way.. Wishing and hoping for just ONE day to be with you.. (Bakit ba naiiyak na naman ako? Grrr...) And why don't you try going out on weekends na wala naman ako? Hayyyy...
2. "I just want to enjoy" - Mas harsh! Tangina! So, hindi ka nag eenjoy pag ako ang kasama mo? So all these time, hindi ka pala nag enjoy sa akin..
Pero salamat sa honesty mo.. at least nalaman ko kung ano ang nararamdaman mo.. Buti na lang pala at nagtanong ako..
So, nag break na tayo.. akala ko okay lang.. pero same questions pa rin ang umiikot sa ulo ko.. Sabi ko sa sarili ko, "yun na yun?" Base sa reactions mo.. oo, yun na nga yun... Ni hindi mo nga nasagot yung tanong ko na "nasaan na yung dating ikaw?" :( Noong tinanong ka ng kapatid ko.. ang nasabi mo lang.. "nakita ko na kasi syang malungkot at masaktan.." Malayo pa din.. Pinabayaan ko na.. Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw na..
After one day.. na realize kong hindi ko talaga kaya.. I asked for another chance.. Nilunok ko na pride ko dahil malinis ang konsensya kong wala akong ginagawang mali... So.. I asked.. and you said.. "Babe, I'm sorry.." Pinaniwala mo akong may second chance. Pero bakit ako hindi mo mabigyan ng chance na ito? Pero ok lang. Siguro ganun talaga. Ang sakit sakit nun.. Tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.. Mas grabe na to.. Pero I know I am giving up a good fight.. No regrets kumbaga. At least I tried.. I tried to ask.. Kesa pagsisihan ko sa huli.. Eh ikaw? Wala.. Wala nga akong nakitang effort for you to win me back o effort man lang na ayusin ang relasyon.. Pinaramdam mo lang sa kin na balewala lang ako. Palamuti. You just let me feel na wala lang ako.. I felt so alone..
Wala nga bang iba? Kasi up to this very moment, di ka na nagtetext... Normally and generally speaking,, kapag may kapalit, la ka na sa buhay nya. Deadma na. Kasi kung wala pang iba.. I am 100% sure na mangangamusta ka pa din sa text.. pero wala e.. Pwera na lang kung manhid ka talaga. Ang bilis naman.. You denied it when I asked kung meron ka nang iba.. And I respect it noong sinabi mong wala.. But why do I feel the other way around. Why do I have this feeling na may iba.. Sana nga mali ako. And I still stand sa point ko na sana nga may iba na lang para mas madali.. Hindi yung nahihirapan ako ng ganito.. Kaya mo naman umamin di ba? Nagawa mo nga sa iba umamin e..
Ang hirap.. Ang sakit sakit hanggang ngayon..
Nakita kita. Mukha kang masaya.. Mukha kang okay. Parang wala lang.. Buti ka pa. Sana ako ganun din.. Sana strong din ako gaya mo.. Kasi hindi ko alam kung nararamdaman mo yung nararamdaman ko..
Nabasa ko yung recent comment mo.. "you will always have a special place in my heart. i'm always here for you." - Salamat. Pero sorry.. Bakit parang hindi ko maramdaman? :(
Sorry kung nagagalit na ako.. Wala kasi akong ginagawang masama.. Hindi ko alam kung bakit mo ko binitawan na ganun ganun na lang.. Ang bilis mong sumuko. Parang ang layo sa mga kwento mo kung paano ka noon. Partida, mas grabe pa ang ginawa nila sa yo noon. You gave up on me because of these reasons. Now I really believe na promises are really meant to be broken.. Sabi ko nga sa previous blog ko.. Walang magandang break up.. Maayos siguro meron.. I can say naman na maayos naman ang paghihiwalay natin.
Para sa'yo - Sa maikling panahon.. maraming salamat sa lahat.. Hindi man ako naging perfect para sayo.. pero sinubukan kong maging the best.. Pero mukhang kulang.. Totoong pagmamahal ang ipinakita at ipinahiwatig ko sayo. Minahal kita at ng buong pamilya ko ng mas higit pa at walang pag aalinlangan dahil alam nilang masaya ako.. Mahal ko lahat ng taong mahal mo at sana... sana naramdaman mo yun.. Ganun talaga. Lahat ng bagay may ending. Hindi man maganda yung atin, ganun e.. I still wish you well..
Meron akong nabasa.. Salamat kay Marcelo Santos.. Saktong sakto sa nararamdaman ko... Sana mabasa mo ito...
"Ayoko na..."
"break na tayo..."
parang huminto ang mundo ko...
nang marinig ko ang mga salitang yan...
mula sa taong sobra kong minahal...
sabi nila kalimutan ko na lang daw..
marami naman daw iba dyan e...
pero bakit kahit anong pilit ko...
di ka pa rin mawala sa isip ko...
sana ganun lang kadali mag move on...
sana ganun lang kadaling makalimot...
sana hindi na lang kita minahal...
hindi sana ako nagkakaganito...
namimiss ko na ang mga ngiti mo..
ang mga mata mong puno ng pagmamahal...
ang bawat yakap sa tuwing malungkot ako..
ang magkahawak nating mga kamay...
ang lamig ng boses mong nagsasabing..
mahal na mahal kita..
sana tayona forever...
hanggang dito na lang siguro...
ayoko mang umasa pero wala akong magawa...
ayoko mang maghintay pero di ko kaya...
mahal na mahal pa kasi kita eh...
sana makasama uli kita...
sana matuloy natin ang forever...
sana mahawakan kong muli ang yong mga kamay...
sana marinig ko ko ulit ang boses mo...
sana maramdaman ko ulit ang yakap mo...
sana matupad ang mga "sana" ko...
sana mabasa mo tong sinulat ko...
bakit pa kasi ganito eh...
nahihirapan na ako...
bakit mahal pa rin kita?...
masisisi mo pa ba ako?...
kung kasalanan ang mahalin kang muli...
kung kasalanan ang umasa...
kung kasalanan ang maghintay sayo...
matagal na sana akong nakakulong...
sana mapahalagahan mo rin ako...
hindi kita pinipilit na mahalin mo ako..
umaasa lang ako..
umaasang mamahalin mong muli..
ngayon ko lang naisip...
sa pagibig pala...
hindi break up ang pinakamasakit...
hindi ang pag iwan...
ang pinakamasakit na parte ng pagibig...
ay ang umasa...
yung aasa ka sa hindi sigurado...
yung parang nakikipagsugal ka...
mamahalin ka pa bang muli...
o umaasa na lang sa wala...
ang hirap talaga nito...
bakit pa kasi ganito...
bakit mahal pa rin kita?...
Yung totoo? Oo.. umaasa pa din ako.. But this feeling has to stop.. Dahil ayoko namang magmukhang tanga.. I have to move on.. Pero kelan? Paano? E hindi ko nga alam kung paano ulit mabubuo ang puso ko.. Hayaan mo.. Last na to.. Magiging okay din ako.. Malapit na.. Sana...
Bahala na si Butterman...
♥♥♥
dito lang kami kapatid.. di kami mawawala.. di kami mang iiwan.. di mawawala yung pag mamahal.. lahat kami kasama mo sa lungkot at saya.. lalo na si kuya.. :)
ReplyDeleteawww,,, super touched ako kuya... kaya love na love ko kayo e.. ako din d ako mawawala sa inyo.. nandito lang ako lagi.. :) yaan mo.. konti na lang to.. kakayanin ko..
ReplyDeleteOk lang yan kapatid. Andami naka kalat o. Dami isda! Hehe. Isama mo dito sa bahay, andaming alak.
ReplyDeleteLalasingin ko sabay screen.
wala ako masabe bakla... alak pa!!! and huggies!!! :)everything happens for a reason...
ReplyDelete