Wednesday, May 9, 2012

...Simula...

Simula.. Beginning.. Start.. Umpisa...



Sana lagi na lang simula.. Ika nga nila.. "Naku, sa simula lang yan!" o di kaya naman "Bago pa kasi!".. Tsk! Ayoko sana maniwala sa kasabihan na yan pero parang totoo e..

Ewan ko ba.. Nagsusulat ako ngayon kasi galit ako.. galit na galit.. gusto ko lang ilabas.. Bakit ba kasi ngayong araw pa na ito..  Sa dinami dami ng araw sa kalendaryo!

Ang daming nagbago. Sana nga yung dati na lang. Sana nga hindi puro simula. Hindi naman kasi porke't tumatagal dapat magbago.. dapat nga mas tumatatag di ba? dapat laging mas lamang lagi kaysa noong simula..

Parang cellphone.. kapag bago masarap gamitin.. pero pag tumatagal na.. bumabagal.. outdated na.. ang ending.. binebenta para makabili ng bago..

Parang damit.. kapag bago, ingat na ingat gamitin.. ingat na ingat ding labhan at plantsahin. Pero kapag tumagal na, ginagawang pantulog.. ang ending.. basahan..

Parang sapatos.. kapag bago, hindi pwedeng madumihan at apakan.. pero kapag tumagal na, pang harabas na sya at ginagawang sandals.. ang ending.. nakatambak o kaya naman pinapamigay na..

E sa pag-ibig kaya,  ganun din ba? Hmmmm...

Kapag nagliligawan laging may flowers, chocolates at kung ano ano pa! lahat na lang ng pang iimpress nanjan.. pero pag sila na.. nawawala.. simpleng bati na lang.. nawawala ang effort...

Dati kung mag text kayo, mala nobela ang haba.. ubusan ng load.. sinusulit ang unli.. pero pag nakasanayan na.. paiklian na ng text.. minsan jejemon pa.. tipong "dito na ko." o kaya naman "pauwi na ko".. wala na ring tawagan.. patagalan na lang ng load.. kahit hindi ka naka unli, tatagal ang load mo.. tipid!

Sa simula, lagi pa kayong magkasama... halos hindi na kayo mapaghiwalay.. Kung nasaan ka, nandoon din sya.. pero pag tumagal na, may kanya kanyang lakad na. Yung tipong pag nagtext sayo, nandoon na. Di ka na makapalag.. Wala ka ng choice.. Hindi katulad noong simula..

Bakit ko ba nararamdaman to? ang panget.. sana mawala.. sana kasi hindi lang puro simula.. sana laging masaya.. sana walang luha sa aking mga mata... nakakapagod e.. puwera na lang kung gusto mo na dumiretso sa ending...

Nakakamiss.. in general naman.. puro simula.. sana hindi ganoon.. kasi.. ending na kasunod.. s-a-d...

Nagmumuni muni lang...


No comments:

Post a Comment