The month of July has been a roller coaster ride for me.. I decided to resign sa current work ko and I wanted to venture out into something new. With positive vibes, I am confident that I can do it. :) Aja! :) And bakit ko pa ba iisipin ang hindi magagandang nangyari e pwede namang puro masasaya na lang.. :) Tulad na lang ng titulo ng aking article ngayon..
Ayon kay Merriam webster dictionary:
Definition of BLISS:
1. complete happiness
2. paradise, heaven
Ang ganda pakinggan no.. :)
Well, it's been almost three months na pala since I wrote a blog about me and my heart.. How am I? Good question! :) Kamusta naman ba ako pagkatapos ng bagyong nagdaan sa buhay ko? I can say na OK na OK na ko. Natapos din ang chapter na yun sa buhay ko. Naisara ko na ang isang kabanatang nagdaan. Hindi naging madali noong una.. Pero madaming tao ang nakatulong para maging okay ako. Buti na lang din busy ako. Naibalik ko din ang hilig ko sa pagkanta. Nice!
Madaming bagay ang masarap simulan at balikan. Nandiyan ang mga bagay na hindi ko na pala nagagawa na pwede naman palang gawin ulit. Tulad na lang ng pagkanta. Akalain mong it's been about 10 years more or less since the last time na nag gig ako. Ngayon, nakukuha ko na mag gig ulit. Ang sarap ng feeling!
Nandiyan din ang mga friends na dahil sa sobrang busy mo, nakakalimutan mo na bigyan ng oras..
At higit sa lahat, meron din palang tao na nandiyan pa rin para sayo all along... Maraming salamat Yo.. Malaking bagay ang naitulong mo sa akin.. Isa ka sa mga nag alaga sa akin sa panahon na hindi ko kaya.. At lagi pa din nandiyan para mapangiti ako.. :)
Okay na ko. Panahon na lang ang makakapagsabi.. :) Kumikirot man minsan, parte naman ng buhay yan. Sabi nga ng daddy ko.. "lilipas din yan.." :) Life has to move on kumbaga.
Cheers to Happiness!
♥♥♥
No comments:
Post a Comment