Presenting... my cousin LEI! :)
Nagkaroon kami ng chance gumimik noong dumating si Kuya. Hindi ko na maalala kung anong araw. Basta ang alam ko, sabi lang nya na sa Tomas Morato daw kami pupunta kinagabihan. Hinayaan ko muna sya matulog dahil maaga pa naman. Honestly, ayoko lumabas dahil nalalayuan ako at tinatamad ata ako mag drive! Hahahahaha! Hanggang Ortigas na lang ata ang alam kong puntahan.
Pero sabi ni Kuya, "Doon tayo. Panoorin natin si Lei!" Bigla akong nagmadali at sabi ko na "Wow! Tara! May gig si Lei! Woot woot!!!" Syempre iba pa din kapag kapamilya mo na ang pinapanood mo. Huling beses na napanood ko ang pinsan ko was noong concert nila during her Center for Pop days pa. :) At hindi ko na alam kung gaano na katagal yun! So after dinner, nagtungo na kami sa Il Terrazo sa Tomas Morato. Nakalimutan ko na kung anong pangalan ng bar na tinugtugan ng pinsan ko. :) Pero nag enjoy kami. Parang kailan lang.. Naalala ko na kami ni Kuya ang dinadayo ng mga pinsan ko para panoorin sa gig namin sa Padi's Point. Hayyyy... Napakabilis nga naman ng panahon.. Sayang, hindi ko nakuhanan ng video si Lei habang kumakanta sa gig nila. :(
Saglit lang at closing time na nung bar na yun. Napakaaga naman pala. Tila alas dose pa lang. Syempre, dapat ituloy ang inuman. Kami naman ay napadpad sa Homer's sa tapat ng ABS-CBN. Sabi kasi ni JP na mura lang doon and may acoustic kaya sugod kami doon.
Napakalayo ng puwesto namin sa bar na yun. Sakto lang. Madaming tao. Kaibigan pala ng mga pinsan ko yung singer sa bar. Astig. Magaling sya kumanta. Inuman na!! Pero sa sobrang dami ng tao, hindi na kami nagkipag jamming ni Kuya. Pero tinawag nya si Lei!! Woot woot!!
Dati ayaw ko itong kantang ito.. Pero noong inawit na ni Lei, sabi ko sa sarili ko.. "Maganda pala.." Bagay sa boses mo cousin! :) Ang galing ng version mo. Best rendition I've heard! :) Ipagpatuloy mo ang passion mo for singing and sana alagaan mo ang boses mo! Huwag kang gagaya sa akin! Hahahahahha!
Hanggang sa muli nating pagkikita!
Happy singing! Enjoy watching!
♥♥♥
Dati ayaw ko itong kantang ito.. Pero noong inawit na ni Lei, sabi ko sa sarili ko.. "Maganda pala.." Bagay sa boses mo cousin! :) Ang galing ng version mo. Best rendition I've heard! :) Ipagpatuloy mo ang passion mo for singing and sana alagaan mo ang boses mo! Huwag kang gagaya sa akin! Hahahahahha!
Hanggang sa muli nating pagkikita!
Happy singing! Enjoy watching!
♥♥♥
Ayan!! Panay inom kasi eh! Hahahah. Pag aralan mo ulit mag whistle para makanta ulit yung LOVING YOU!! :)
ReplyDelete