Wednesday, January 11, 2012

...R&J Bulalohan...

Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang maipupublish itong post ko. Matagal ko na dapat ginawa ito..

Anyway, kung magagawi kayo sa bandang Mandaluyong, this is the best place to stop over and eat... sige na nga.. pwede rin namang drink! Hehehehehe...



Location:

Bonifacio Ave.
Mandaluyong City

Open 24 hours..

Landmark.. Rotonda sa may Boni.. Yung malapit sa munisipyo.. :) Sorry, I'm really bad with places kaya nilagay ko na din yung address nila just in case.. :)

Napagtanto ko itong lugar na ito noong naospital ang daddy ko.. kailangan magtipid so lumabas kami ng ospital at tumingin tingin.. "Napakarami namang tao dito" sabi ko. Ending? di ko sinubukan dahil may pagka impatient ako noong mga panahon na yun. Pero mga 3rd day ng dad ko sa ospital, sinubukan na din namin.. Relax lang yung lugar. Hindi naman air conditioned. Typical kainan.. typical inuman.. may videoke.. maraming pictures ng mga artista sa mga pader..

Ang Menu...
Maraming choices sa menu.. Dito ko nga lang napagtanto na may bulalito pala! Hehehehe.. Umorder na kami.. "Wow!"... Yun lang ang nasabi ko dahil sobrang sarap ng bulalo at tawilis!

Bulalito

Tawilis

Binalot - Adobo
Tatlo ito sa paborito naming orderin dito.. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko yung bulalo dito.. Kanya kanyang trip lang naman diba? Walang basagan ng trip! :)

Nasundan ang pagbisita ko sa lugar na ito. Dinala ko yung team ko dito para matikman din nila at hindi naman ako nabigo.. at syempre.. hindi mawawala ang inuman.. In fairness.. dito naganap ang isa sa pinaka matagal naming labas... Imagine.. parang mga 5am kami nagsimula at natapos ng mga 1pm na..

Ang masasabi ko lang... SULIT!! :) Try nyo! :)

Happy eating!!

     ♥♥♥

No comments:

Post a Comment